Posted by: malditangala | May 21, 2009

mga kanta ng bata….

kalimitan pag bata kung masyado malikhain ang iyong isipan. andami mong gustong gawin at andami mong naiisipang likhain. ako nung bata ako mahilig akong kumata ng mga kantang di pa nag eexist…kakanta ako ng mga kanta na tanging ako lang ang may alam ng mga lyrics…

kaya nga ng makita ko ito sa blog ni chico garcia di ko maiwasang kopyahin..

This is fun. We all have our embarrasing wrong lyrics moments. I don’t have too many misheard lyrics, but I do have a knack for singing phonetically.  So it sort of sounds like the song, but it’s so not.  My fave is a friend’s yaya singing Whitney Houston’s “You’re Still My Man”: “Justin, my man…”

October 13, 2008 → The Top Ten Misheard Lyrics – Jose de Vengenge

  1. Kikoy/PrettyMe17/Ponce/Rodney – George Benson’s Nothing’s Gonna Change My Love For You: “Nothing’s gonna change my love for you, you know naman my love how much I love you…”
  2. Hannah – Billy Joel’s I Love You Just The Way You Are: “Jong jong jing jing…to try and please me…”
  3. Acer – Elvis Presley’s Hound Dog: “You ain’t nothing but a hotdog, catsup all the time…”
  4. Luxurious Chic/His Cuteness – Leavin On A Jet Plane: “Kiss me and smaffle me, tell me that you’ll wait for me…”
  5. No name – Ticket To Ride : “She’s got a chicken to ride…”
  6. Jeremiah – “On the 12th day of Christmas my tuna century…”
  7. Automatic Allan – Rico Mambo: “Aray ko mambo, aray ko mambo yeah…”
  8. Mikul – “Killing me softly with his thong…”
  9. Le Meow – Phil Collins’ One More Night: “One monay, gimme just one monay…”
  10. Pishbol – Tina Arena’s Burn: “Do you wanna eat a poet…with rice…”
  11. Lala – Michael Jackson’s I Just Can’t Stop Loving You: “I just can’t taft avenue…”
  12. Monica ni Doms – Greatest Love of All: “I decided long ago, never to walk with Edu Manzano…”
  13. Hoiram – Basil Valdez’ Kung Ako’y Iiwan Mo: “Kung ako’y…ihian mo…”
  14. No name – Crazy For You: “Trying hard to control my fart…”
  15. Luxurious Chic – Britney Spears’ Hit Me Baby One More Time: “My only nest is killing me…”
  16. Gorgeous Bitch – Sheena Easton’s Telefone: “London distance love affair, whoa…”
  17. Astroboy/Racer/AllRack – Chris Brown’s With You: “I need your boobs…I gotta see you boobs…”
  18. Schisto – “Joy to the world, the Lord is come, berting, berting, berting!”
  19. Nikamorphosis – “Starry starry night…paint your panty blue and grey…”
  20. Horhe – Could This Be Love: “Kutis bayag…or just a memory of the two of us together…”
  21. Astroboy – “Put your egg on my shoulder…”
  22. Pulanglangit – Ang Huling El Bimbo – “Kamukha mo si…batwoman…”
  23. Odick – River Maya’s Liwanag Sa Dilim: “Isabaw mo sa kanin ang ihi ng kambing…ikaw ang liwanag sa dilim…”
  24. Obadiah – Nandito Ako: “Nanghipo ako, umiibig sa yo…”
  25. Czaracellane – JLo’s Let’s Get Loud: “Get set loud, get set loud!”
  26. Joel – Billy Joel’s Uptown Girl – “Rectangle…she’s been living in a rectang-world…”
  27. Lavander Girl – Alanis Morrissette’s You Oughtta Know: And I’m here to remind you of the cross-eyed bear that you gave to me…”
  28. Ronwaldo – Air Supply: “Makin love…automatic na relo…automatic na relo…”
  29. Herbie – P. Diddy’s Last Night: “Last night…I couldn’t even get to EDSA…”
  30. Your Highness – “I can’t live…if Lebanese without you…I can’t live…”
  31. Specialist – “Why do you giddyap, buttercup baby when you let me down…”
  32. Pinkish Black – Beauty and the Beast: “Tell us all the time…”
  33. Komadori – JLo: “Don’t be fooled by the rocks talaga…used to have a little now nawawala…”
  34. Filthy Rich Beggar – Whitney Houston: “One moment inside…”
  35. Krismina – Rihanna’s Disturbia: “Vam Vampira, Vam Vam Vampira…”
  36. Geyp – David Archuleta’s Crush: “Why do I keep running from the tarush…”
  37. Sawyer – Eraserheads: Ang Huling El Bimbo:  “Kamukha mo si…Barracuda…”
  38. McDenzel – “Mahal kita, walang iba, paniwalaan mo sana ako, shit ka…”
  39. SPY Shadow – “Would you like to ride…in my beauty pulburon…”
  40. Jaepea – Roxette’s It Must’ve been love: “Masakit love…but it’s over now…”
  41. Mikeeesuave – One Republic’s Apologize: “It’s too late to have a child…it’s too late…”
  42. Kid Bukid – Pump Up The Jam: “Pokpok si Gem…”
  43. Jose de vengenge – Beyonce’s Irreplaceable: “Chuvalens, chuvalens, everything you own in the box chuvalens…”
Posted by: malditangala | April 20, 2009

hurt, forget , forgive….

isang katanungan galeng sa isang magaling na manunulat ang nabungaran ko nung isang araw.  ang katanungan nya ay eto “when people hurt u; do u forgive and forget? or do u just forgive but dont forget?

isang katanungan na ansarap sarap sagutin. lalo para sa akin kasi di naman ako kaselanang tao kaya para sa akin pag sinaktan mo ako ibig sabihin isang matinding bagay talaga ang ginawa mo. at ibig sabihin nyan di kita basta basta mapapatawad.

ilang beses na rin akong nasaktan lalo na ng mga taong tinuturing kong mahalaga sa akin (pamilya, kaibigan, kaanak etc…). kalimitan umaabot ng buwan bago kita mapatawad sa ginawa mo. buwan kasi titimbangin ko muna ung sinsiredad ng paghingi mo ng tawad at ung impact ng ginawa mo sa akin. kasi kung petty things lang yan, di ako masasaktan at balewala lang sa akin. sabi ko nga sabihin mo lang sa akin i’ll try my best to understand. pero pag sobrang foul yan di na kita kakausapin… nasubukan ko na nga rin noon di ko kinibo ang isang kapamilya ng mahigit 3 taon dahil sa sobrang bigat ng ginawa nyang kasalanan sa akin.

alam kong mali kaya nga mejo nirirendahan ko na rin ang sarili ko. minsan kasi nakafocus lang tayo sa nararamdaman naten at di na naten namamalayan na nagiging mimaw na pala tayo or nag aasal mimaw na pala tayo kasi nilalamon na tayo ng galet naten.

Posted by: malditangala | April 18, 2009

batanes experience

i was going through the photos i got from my previous trips and i found these photos. yeah, i know these pics are quite overdue since they were taken during my trip to batanes last june 2008. i really love  the place…i fell inlove with it the first time i set my foot on its grounds (cornball)..given the chance, i will surely visit the place again and again and again…

basco airport

5:30am is our flight to basco, batanes via asian spirit. my friends, merryl and ryan, are already inside the establishment when i reach the domestic airport..i felt some weird winds because i’m not used to traveling with other people. usually i go solo or sometimes i just meet people along the way. new companions in some way….. the flight is a few minutes delayed. we reached basco around 8:20. upon our arrival, we were greeted by the panoramic view of Mt Irayat and the colorful umbrellas hanging in the roof of the airport’s waiting area. Ryan had made arrangements with Batanes Resort but we decided to scout for some cheaper accommodations. We met Dodong, a tricycle driver who help us with the scouting but  we ended up with Batanes Resort.

mt irayat

 after settling our luggages, we decided to run to the beach. the cottage that was given to us was the one nearest to the sea. and from the sound of the waves which is like a music that attracts us to try the water. i was almost tempted to try it but the realization of me not knowing how to swim got unto my senses on time before i can make an impulsive decision  and accept the very tempting offer the sea had laid upon me.

overseeing batanes resort

overseeing batanes resort

the place is so panoramic. there are so many places that you can visit. we started with the lighthouse in basco. there we met manong oscar, the lighthouse keeper.

basco lighthouse

basco lighthouse

 the lighthouse is quite famous. it has been in some movies like in “the promise” and “batanes” to name a few. then it is also featured in the ph care commercial of dawn zulueta. it is my first time to go inside a lighthouse and climb it to its top. wala naman akong fear of heights but i was so cautious. para kasing may weird feeling. pero nawala lahat un ng marating ko ang top part nya. it was so beautiful, the view was breathtaking. i can see clearly the whole basco. nakakainlove talaga ang place nato.

basco-lighthouse

after ng lighthouse, we decided to walk around the city. people are so nice here. lahat halos ng makasalubong namen e nakasmile sa amin. pagdating namen sa resort, napagdesiyonan namen na mag arkila ng bikes para sa tour namen kinabukasan. lahat kami gustong mapuntahan ang dulo ng isla bago kami pumunta sa kabilang isla (sabtang). buti na lang at tinulungan kami ng mga tao sa resort para makahanap ng aarkilahang bike.

basco from the top of the lighthouse

basco from the top of the lighthouse

kinabukasan, 9am larga na kami papunta sa tindahan ni mang andoy. sa kanya kasi kami aarkila ng mga bike. 25 pesos per hour ang arkila ng bike. 3 bikes ang inarkila namen, si merryl pinili nya ung pinakacute na bike, si ryan ung malamountain bike naman ang kinuha nya at ang sa akin ung kulay green na bike. di naman sya kalakihan at kabigatan. ok lang, kahawig siya nung bike namen sa pangasinan dati, ayan naalala ko na naman ung kuya ko. kanya kasi un e.

maliit lang ang mga kalsada nila. so bigayan nalang sa kalsada. eto ang pinakamadalas mong makikitang street sign sa kanila. street-signssigns-2

 

 

 

mostly kasi dito ay nagbibike lang especially ung mga estudyante na nag aaral sa basco. at sa kipot ng kalsada kailangan nilang bumusina everytime na magtuturn sila lalo na ung way papuntang mahatao,  ivana, at sa uyugan. andaming magagandang places na pwede mong puntahan. kulang ang 5 days para maikot ang buong batanes.

ansaya na sana ng pagbabike nameng tatlo. andami nameng nadaanang magagandang tanawin. tapos pwede pa kaming tumigil para iexplore ang mga eto at cyempre makapagpa-picture. sabagay sino ba naman ang ayaw magpapicture sa lugar na katulad neto. may isa ngang lugar dun na katulad nung isang scene sa mga korean nobela.

 

merryl-and-ryan

eto si merryl at si ryan nung mga oras na bati pa sila ng mga bikes nila. pero pagkatapos ata namen magbike ng mga 3 kilometers nagsimula ng mainis si merryl sa kanyang bike. eto ang kanyang signature line ng mainis siya sa kanyang bisikleta ” di lahat ng cute, okey”. nang makarating kami sa mahatao ayun bumigay na ang bike ni ryan. nabutas ang gulong nya sa likod. isang malaking joke na ang nangyari. ang isa ayaw ng magpatuloy magbisikleta kasi pahirap na raw ang kanyang bike at ang isa naman ay wala na talaga. so no choice na kami kundi ang mag antay ng jeep na papayag na isakay ang aming mga bike. buti nalang mabait si manong at isinakay nya ang aming bike at take note inayos pa nya. ang nice talaga nila, inaya pa nganiya kami maglunch sa haus nila.

 

ruins of songsong

ruins of songsong

andami nameng napuntahang places dito. pero kung isa isahin ko dito, kulang ang isang page para sa mga un. post ko nalang ang mga pics dito para maenjoy naten lahat. sabi nga share the great experience and the great places. ansarap iexplore ang mga lugar sa atin at di naman ganun kamahal or di kailangan na madami kang pera mapuntahan sila. kailangan lang talaga ng will at determination. determination para makapag ipon. almost 3 months din akong nag ipon para sa bakasyon nato. at sulit naman ang ginawa kong paghihigpit ng sinturon heheheh… ay bago ko makalimutan, thanks pala kay vice gov willy agsunod. sya po ang naging tour guide namen nung fourth day namen sa basco. ipinasyal nya kami sa buong isla kasama ang kanyang driver at binigyan nya kami ng mga sibuyas at bawang na mismong tanim nila. nakakataba ng puso ang kabaitan ng mga tao dito. salamat din kay ate delia sa hapunan at sa pag iistima sa amin. at kay richard, ang staff sa may tourist register ng sabtang, sa pagpapahiram sa amin ng mga eto para sa picture taking para di na kami bumili at gumastos ng 450 pesos. hayaan mo po sa susunod jan na agad ang punta namen para magpalista. eto po ang ibang mga litrato namen sa batanes.

 1_318629287l

mga pastol na hayop…sabi nila ang mga hayop daw ang unang palatandaan nila kapag may paparating na bagyo dito. minsan mas accurate pa nga ata ang mga eto kesa kay pag asa.

windmills..
windmills..

isa eto sa pinakamagandang spot kasi dito makikita mo ang south china sea at pacific ocean. ..

Posted by: malditangala | April 5, 2009

ating balikan….

minsan di naten maiwasan ang magmunimuni. ansarap kasing balikan ng mga bagay nang ating nakaraan, kahit ano pa yan. kaya ng makita ko eto sa isang blog naisipan ko siyang kopyahin. nagpaalam naman ako sa aking kaibigan.

una ko etong nabasa sa blog ng isang kaibigan at sa sobrang tuwa ko ay kinopya ko para ishare sa lahat…

 

1. Jolina Magdangal – kapartner ni Marvin Agustin kung saan

nauso ang chuvachuchu chuvachuchu at mga parang Chirstmas tree na

hairstyle at outfit. At alam na alam mong nagmula si Jolina, o

Jolens para sa mga miyembro ng Jolina Magdangal Fansclub AMA

Computer College Chapter, sa sikat na sikat na TV show kapag 4:30

na! ANG TV NA! Kilala mo rin sina Lindsay Custodio, Victor Neri,

Francesca (Cheska) at Patrick Garcia, Vandolph, Jan Marini, Rica

Peralejo, atbp. Patok na patok din ang TGIS at ang kalaban nitong

Gimik. Dapat kilala mo sina Wacks (Joaquin Torress III) at Peachy,

sa Gimik naman nakilala si G Toengi na naging hostess ng Music

Bureau with FrancisM na pinalitan ni Jao Mapa.

 

2. Kapag ikaw ay kapos na sa mga salita ay maaari mong gamitin

ang mga katagang chuva, chenes, chenelin, ganun, ganun-ganun, ayun o

kaya ang mga expressions na “Wala lang“, “Ano

ba `yan?,” “OVEEEERRR,” that later on evolved to “WHY NOTTTTTT??”

courtesy of Kris Aquino.

 

3. Robinson’s Galleria na napabalitang may ahas daw sa fitting

room na ang pangalan ay Robina (famed sister of Robinson). Biktima

rito si Alice Dixson na umano’y tumakbong naka-bra at panty lang

nang makita ang ahas sa fitting room. Malamang ang balitang ito ay

black propaganda ng Megamall.

 

4. Speaking of malls, sa panahong ito rin nauso ang arcade

games (bulok pa ang Ragnarok at ano pang online gaming sa

kasalukuyan) . Astig ka kapag pupunta ka ng Glico’s sa Quad (Timezone

sa Glorietta ngayon) tapos marunong kang mag Street Fighter o Virtual    

Fighter. Kung ayaw mo naman ng violence e pwede kang mag-Dance Revo!

 

5. Ang digmaan ng mga Hip-hop at Metal. Sabi ng Hip-hop “YO!

WASSUP, HIPHOP HOOORRAAAAAYYY! ” Sagot ng mga Metal, “HIPHOP BULOK!!

PUNKS’ NOT DEAD! ANARCHY! ANARCHY!” Uso ito sa Megamall. Mga hiphop

na naka-pinahabang puruntong o pinaikling pantalon o kaya baggy

pants, low waist, at may mga blingblings na peace sign o kaya kadena

ng bisikleta o fanbelt. Ang mga metal laging naka-itim (Top 40 na

tshirt, Pantera, Pearl Jam, Nirvana, Sepultura, Metallica, etc.)

tapos naka-fit na pantalon at Chuck Taylor. Ang mga Hiphop ay flat

tops ang buhok na may guhit pa minsan sa gilid samantalang ang mge

metal ay GQ ang buhok na naka-undercut pa. Lahat ng metal marunong

mag-gitara kahit ang alam lang tugtugin ay `Line to Heaven’ ng

Introvoys (Intro: D-A-G-A; intro lang kasi nga Intro-boys). Kung may

identity crisis ka malamang ay ang papakinggan mo na lang ay si

FrancisM, rap na may heavy distortion ang guitar riffs, astig ang

bahista ng Hardware Syndrome with matching scratches ni DJ Kimozave

at ba-backup naman ang Evil Stepsisters.

 

6. Eraserheads – karugtong ng digmaan ng mga Hiphop at Metal.

Sila ang muling nagpauso ng Chuck Taylor. `Pare Ko’ ang pangalawa

sa `Line to Heaven’ na alam gitarahin ng mga gustong maging katulad

ni Ely. Nag-ambisyon ang lahat na mapabilang sa isang banda. Kung

kilala mo ang Eheads, malamang alam mo rin ang Yano, The Youth,

Razorback, Color It Red, Mastaplann (teka, Hiphop yata ito), Dahong

Palay, Reanimator, Death by Stereo, Rizal Underground, Rivermaya,

True Faith, Fatal Posporos, Datu’s Tribe, Tribal Fish, Arachnida,

Alamid, Teeth, at alam mong hindi kano si Basti Artadi ng Wolfgang

(imagine Eddie Vedder singing `Halik ni Hudas’).

 

7. Ultimate Warrior – namatay daw dahil binuhat si Andre the

Giant (na namatay din that time). May ibang balitang namatay siya

dahil daw pumutok ang muscles niya sa sobrang higpit ng tali.

 

8. Teenage Mutant Ninja Turtles – sina Leonardo, Michaelangelo,

Donatello, Raphael. Master nila si Splinter, kaibigang reporter si

April O’Neal. Kalaban sina Shredder, Bebop, Rocksteady, Krang at ang

mga Foot Soldiers (na parang mga tauhan ni Dr. Man ng Bioman). Tapos

uso ang retromutagen ooze na mabibilil mo sa suking SM

toyland. “COWABUNGA, DUDE!”

 

9. Ang Pepsi 349 Scandal. Kung valid man ang libo libong claims

ng mga Pilipinong nakakuha ng tansan na may tatak sa ilalim na 349

ay hindi ito makaka-apekto sa lumalalang global warming na

nararanasan ng mundo. Ang nakapag-benefit lang dito ay ang Coke

dahil sa libo libong nag-boycott sa Pepsi na feeling nila ay na-

raket lang sila. (Parang 80’s yata ito)

 

10. Ang Alamat ng Zagu. Ito ay ang pinasosyal na palamig, sago

at gulaman. Kung anong meron dito ay ang pakiramdam na ikaw ay IN,

HIP, at COOL. Ang pila dito ay singhaba ng pila sa US embassy na

gustong makakita ng snow at pumunta ng Disneyland (wala pa kasing

Hong Kong Disneyland e) at ang kumpol ng mga tinedyers na may supsop

supsop na Zagu ay sindami ng mga lalaking naka-white t-shirt sa

Kalaw na nagbabakasakaling maging seaman at OFW. Talaga naman

everyone went gaga over zagu.

 

11. Easycall at Beeper 125. Wala lang ganun, text messaging na

itatawag mo pa sa call center para masabi mong I M HERE AT HOM, PLS

COME OEVR. Tapos yung may pager na nasa labas hahanap ng payphone

para tawagan ang nag-page sa kanya. Kaso mahirap makakuha ng txtmate

dito, di ko lang sure ko pwedeng i-page ang SAN N U? D2 N ME.Ü

 

12. Bago nakilala si Shakira ay sumikat muna si Thalia na mas

kilala nating gumanap bilang Marimar. Pero mali ang nagsabing ito

ang unang telenovela na naipalabas sa Pilipinas dahil nauna rito ang

La Traidora sa channel 9. Kilala mo siguro si Pulgoso at Padre Pio

at sino bang makakalimot kay Fernando Jose na mas kinky pa ang buhok

sa dibdib kesa sa ulo, salamat kay Ogie Alcasid dahil mas nabigyan

niya ng hustisya ang papel na ito. Sinundan ito ng mga makasaysayang

Maria La Del Barrio na nagevolve sa Taiwan bilang Meteor Garden at

nang mapunta sa Korea ay naging Jewel in the Palace.

 

13. Speaking of Ogie Alcasid, bago pa man ang Bubble Gang ay una

na tayong pinalagpak sa upuan kakatawa ng Tropang Trumpo. Nariyan

ang Caronia dance na kahit ito lang ang alam mong sayawin ay kayang

kaya mong talunin si Charlene Gonzales sa Feel Like Dancing. Dito

rin nakilala si Earl Ignacio (ang boses sa likod ni Peter Pan) na

naging syota ni Cristine Bersola bago siya naging Mrs. Babao.

 

14. The Uncanny X-Men. Ang lyrics ng intro at ending nito ay

tinginingininini tinginingingini, ting ting! Love story ito, umikot

ang kwento sa love triangle nila Cyclops, Jean Grey at Wolverine.

Bakit kasi lahat ng hinahalikan ni Rogue ay nanghihina. Si Jubilee

ba ay babae o batang babae? Kapatid ba ni Storm si Undertaker kasi

parehong nawawala ang pupil ng mga mata nila? Meron palang halimaw

na kulay blue, sa totoo lang siya si Grimace ng McDonald’s at

nagiging bestial lang siya kapag tinawag siya ni Professor X. Kung

iisipin mo mas wholesome panoorin ang Captain Planet, pwedeng

pambata at pwede ring pang-environmentali st. GO PLANET!!

 

15. Nung panahon ng Miss Universe (circa Charlene Gonzales,

Shushmita Sen, Viveka Babajee, at Dayanara Torres) ay lahat ng

lalaki kahit babae ay patay na patay kay Miss Belguim. Siya si

Christelle Roelandts na pagkatapos ng pageant ay di na natin alam

kung anong nangyari sa kanya. Pero may nabalitang nakapag-asawa siya

ng astronaut at nanay siya ng quadruplets na huwag mong paniwalaan

kasi imbento ko lang ang bahagi ng kwentong ito.

 

16. Balik tayo sa Megamall. Nung dekada ring ito nagkalat ang

balitang wag kang manunood ng sine sa mall na ito kasi may nang-

iinjection ng AIDS dito. Siguro ganti ito ng Robinson’s Galleria sa

kanila nang sumunod kasi na araw sa Megamal na bumili ng bra at

panty si Alice Dixson.

 

17. Ang Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo na ina na sa

totoong buhay. Ang awiting Sabado Nights ay kinanta ng Rizal

Underground. Wala na akong ibang kwento tungkol dito.


 


18. Sa panahon ding ito sumikat ang matinee idol na naging

inspirasyon ng maraming kabataan dahil sa pagiging love team nila ni

Judy Ann. Ang nasirang si Rico Yan. Ang ipinagtataka ko lang ay

nauna lang nag kaunti ang pagkamatay nina Lucio San Pedro at Levi

Celerio, na itinuturing nating mga Alagad Ng Sining, sa pagkamatay

ni Rico Yan, pero mas nagdalamhati ang sambayanan nang malaman

nilang hindi na pala magkakabalikan sina Claudine Baretto at Rico

Yan kasi nga namatay si Rico Yan sa piling ni Dominic Ochoa. Kung

overdose sa ecstasy ang kaniyang ikinamatay o dahil sa bangungot ay

hindi na mahalaga dahil sa panahong ito isinilang ang Rico Yan Youth

Foundation, hayan may kabuluhan naman pala.

 

19. Nung wala pang Ipod at nalaos na ang walkman ay nauso naman

ang discman nuong dekada `90. Kaya lang, mahirap mag-jogging na ang

bibit mo ay walkman dahil skip lang nang skip ang lens sa CD at di

mo mapatugtog ng maayos. Di rin pwede sa kotse kasi pag nalubak o

dumaan sa hump o biglang huminto ay skip na naman ang discman bago

pa naimbeto ang CD player na may anti-shock. Kaso bakit di nauso ang

discman na may FM/AM receiver?

 

Kung naka-abot ka sa bahaging ito at naka-relate sa karamihan ng mga

nakasulat dito, malamang ay high school ka nung panahong laos na ang

mga larong tumbang preso, taguan, teks, chinese garter, step no, at

piko. At ang hinlalaki mo ay puro kalyo na kaka-pindot ng controller

ng Family Computer. Siguro ngayon ay isa ka nang propesyunal o

family person o kung ano man ang iyong ginagawa na kahit abalang

abala sa maraming bagay ay meron pa ring naitatabing oras para

sariwain ang alaala ng nakalipas at ang katotohanan ng buhay na

minsan ay nagturo sa iyong harapin ang kinabukasan.

 

Dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko, sa dami talaga ng mga ala-ala

ng nakalipas na dekadang kailangang habulin ng isip ko, heto at

muling bubulabugin ang inyong mga pagmumunimuni ng malikot na

recollections ng mga ayaw umaming matatanda na sila ngayon na sila

ay mga ex-GenX people..Kitams pati ako ayaw umamin.

 

(Item Nos. 1-19 sa Dekada Nineties, part one)

 

20. Uumpisahan ko ang item dito ng pagtatapos ng dekada 90. Ang

lagim ng Millenium Bug. Sino ang hindi nangamba sa pagsasara ng

1999, sa eksaktong araw na December 31 at eksaktong oras na 00:00 ay

magsha-shutdown daw ang lahat ng computer? May mga haka-haka rin na

babalik tayo sa Stone Age where all computers would be useless and

we would be back to the primitive ways of our ancestors. Pero sa

palagay ko, hindi naman talaga na-extinct ang `stone’ age. Marami pa

rin sa kabataan ang `stoned’, `batong bato’ na sa buhay, “yeah man,

c’mon I see god in my aluminum foil”. Mas malagim pa ito sa

Millenium Bug. Ang tanong, kelan at paano ba ito magsha-shutdown?

 

21. Bago naging ecstasy ang trip ng mga nabato na sa bato, sino bang

hindi nakakaalam ng lyrics ng makabagbagdamdaming kundimang

pinamagatang “Extasi Extano”? “Extasi, extano, extasi,

extano..silakono testegustara porlosnakumba tegastaya porlokasi asi

mi gustami asi mi gustami, extasi, eba eba, extano..” Dahil di

maintindihan, pinauso ang mga kantang pwedeng sayawin tulad ng Dying

Inside, Always (I wanna be with you..), Informer, Hello

Africa, `yung “All you wanna do is ama-zoom-zoom- zoom and a-boom-

boom”, at ang hndi pinatawad na si ANNN-GE-LI-NNNAAAA, “ang baho ng

*$@*=+*/$*&* &**@##…” kinain na yung tape kasi di pa uso sa album

cover ang PARENTAL ADVISORY, EXPLICIT LYRICS.

 

22. Nandyan ang Universal Motion Dancers na inOLWAYS ang Butterfly

Dance na namuo ng cocoon ng pagmamahalan nina Juday at Wowee De

Guzman. Pero mas astig pag marunong kang mag-Running Man at mag-

Roger Rabbit. Kahit mga metal aamin na kayang kaya nilang sayawin

ang mga ito bago naimbento ang Otso-otso. E ang loveteam ni Aiza at

Spencer alam nyo? Worm dance at TICK-TACK naman dyan mga streetvoyz!

 

23. In na in ang mga pantalong tinatawag na ELEPHANT kasi kahit

binti ni Dumbo e kasyang kasya sa luwag. At ang mga pundya ay lawlaw

na sa kapipilit i-low-waist ito. Uso ito sa mga Hiphop. Kung metal

ka, ang pantalon mong fit ay dapat naka-tupi ng isang beses ang

ilalim at alam mo sa pagkakatupi kung ang Levi’s ay orig o pinatahi

sa suking sastre. Tapos may mga sinapian din ni Elvis Presley na

pumorma ng mga AMBELL o boot cut na pantalon. Minsan kahit staight

cut naman ay pipiliting maging ambell kahit iba ang kulay ng

ikakabit na triangle sa orihinal na tela ng pantalon.

 

24. Bago sumikat ang “kelangan pa bang imemorayz yaaaan?,” halos

lahat ng may radyo ay nakikinig sa 97.1 DWLS FM, lalo na ang award

winning Top 20 at 12 ni Triggerman. Dahil sa pangalan nya at

iritableng paikipag-usap sa mga callers ay minsan nang binigyan ng

taning ang kanyang buhay. Meron kasing obsessed sa kantang `MmmBop’

nang tinalo ito ng kantang `Don’t Fade Away’ na naging Top 1 minsan

sa kanyang show.

 

25. At sinong makakalimot sa pagsikat ng mga groupbands, boybands at

mga girlbands na nagpalaos sa headband ni Donna Cruz? Nandyan ang

Ace of Base, Backstreetboys, Westlife, Nsync, Boyzone, Savage

Garden, Hanson, Moffats, Gil, Five, S Club 7, Salt N Pepa , A1, Human

Nature, Kris Kross, at napabalitang mga bading ang Spice Girls bukod

kay Scary Spice. Pero natabunan ito ng pag-amin na bading si Nick

Carter na tinakpan ng balitang iniwan na ni April Boy Regino ang mga

kapatid niyang sina Vingo at Jimmy ng April Boys, nakakalungkot.

 

26. Buhay na buhay ang Star City na parang anino lang niya ang

katabing Boom na Boom nung panahong ito. Patok na patok pa ang mga

pangalang Wow na Wow, Big Bang sa Alabang, Payanig sa Pasig ,

Peryahan sa Baclaran at Tikbalang sa Malacañang. Sa Star City

nandooon ang Zyclon Loop na kaunaunahang rollercoaster na may 360

degrees loop sa Pilipinas. Matatagpuan din dito ang Wild River na

kelangan mabasa hindi lang ang pwetan mo kundi buong katawan. Dati

narito ang Jurassic Park , Alcatraz , at Wimpol’s Ice World. Pero

lahat ng ito ay incarnation lang ng Fiesta Carnival na trip na trip

ng mga mas matanda pa sa atin.

27. Sa pagsuko ng Game & Watch at hindi pa pinapanganak na si

GameBoy, GameBoy Advance at PSP, ay umusbong ang magiting na si

BRICK GAME! Isipin mo ginawang handy ang Tetris ng Family Computer

at di pinalagpas ang mga kapatid nitong 4-in-1 at 1,000,000-in- 1 na

Brick Game. Bago nalagay sa 3210 ang Snake ay meron na sa Brick Game

nito. Ano, at meron pang Brick Game Challenge sa Eat Bulaga, saan ka

pa? 

28. E Pog Pack meron ka? Libre ito dati sa Coke halos kasabay ng

pagdemote kay Barbie at Ken sa katauhan (ka-alienan) ng mga Trolls!

May kamukha silang 2 artista, CLUE: isang babae at isang lalakeng

ginawang babae, ang kumanta ng “Cute cute cute, cutie cutie cutie

cute, cute cute cute..” Iba-ibang kulay ng buhok ng Trolls na

nakataas parang laging naka-spray net. Kaso di mo malaman ang

kasarian nila parang mga hermaphrodites as in, mga di tiyak at

walang kasarian!

 29. Nung 90’s din nauso ang PopSwatch, baseball cap na Boy London na

may bakal na laging suot ni Robin Padilla at Dennis Padilla, at

Giordano Classics na dating tao na naging palaka. Walang tatalo sa

pagsikat ng mga branded na t-shirts tulad ng Fubu at Tommy Hilfiger

na mabibili mo sa halagang 3 for P100, bargain na bargain pwede pang

tawaran para may pambili ka ng choki-choki (ala mo yung tsokolateng

pinipisil at sinusupsop yung buong plastic?).

 

30. At ang brown-out na hindi bababa sa 10years per day! Grabe sa

init nuon, basangbasa na ang kilikili mo kakapaypay wala ka naming

magawa kahit bumili ka ng ice cream o ice tubig kasi brown-out din

ang mga tindahan. Nung malapit nang mag-eleksyon, ayan may ilaw na

ulit, salamat sa rasyong kandila’t pamaypay. Buti pwedeng pumunta ng

Quad, Megamall o Galleria para magpahangin at maglibang.

 

31. Sa kabila ng mga kasiyahan, kagitingan, kabaduyan, kajologsan,

at katalinuhan nung 90’s, atin ding alalahanin ang mga kabikabila at

sunod sunod na mga trahedyang naranasan sa Pilipinas. Ang lindol na

nagpabagsak sa Hyatt Hotel sa Baguio at nagpalubog ng Dagupan at

nagbigay sa Marikina ng Fault Line at kumitil ng libo libo nating

mga kababayan, lalaki, babae, at mga bata. Ang Ormoc landslide. Ang

Pagoda Tragedy. Ang nagpalubog sa ilang bahagi ng Pampanga at mga

karatig bayan nito nang pumutok ang Mt. Pinatubo . Nauso ang mga

evacuation centers, at dito naman naipamalas ang modernong bayanihan

ng mga Pinoy. Maraming mga NGO’s at individual volunteers ang

gumagawa ng mga hakbang upang tumugon sa pangangailang ng mga taong

biktima ng mga trahedya. Nariyan ang pamamahagi ng mga relief goods,

lumang damit, laruan, libro, toothbrush, toothpaste, sabon, at iba

pang mga donasyon na nag-inspire kay Aga Muhlach para i-launch

ang `Ma-Aga ang Pasko sa Jollibee’. Astig. Ito ang pinaka-astig na

mga nagsilabasan nung 90’s. Saludo ako sa inyo.

 

32. Malaki rin ang pinsalang naidulot sa Philippine film industry ng

mga chenelin at chuvang “take it, take it!” ni Ms. Mauritius Viveka

Babajee. Dito nagkaroon ng lamat ang ugnayang Lolit Solis at Gabby

Concepcion. Sayang sino nga bang nakakuha ng trophy? Speaking of

pelikula, sa panahon ding ito nauso ang mga pelikulang hitik na

hitik sa kabuluhan sa buhay, tungkol sa gulay at pangalan ng babae.

Kangkungan (Kandungan pala), Patikim ng P-nya, Itlog, Curacha,

Selya, Hagedorn, Onyok, at Kokey. Ayus!

 

33. Sa TV, nariyan ang pagsikat ng mga Tagalized cartoon series na

inumpisahan nina, Cedie, Princess Sarah, Peter Pan, Heidi, Remi,

Nelo at Patrasche, Maria ng the Trapp Family Singers, si Santa, ang

tambalang Sailor Moon (real name: Bunny Tsukino) at Tuxedo Mask

(real name: Mamuro) na barkada nina Sailors Jupiter, Mars, Venus, at

Mercury, ang mga pusang sina Luna at Artemis, at si Pokemon. Di yata

nakuntento sa drawing kaya naman naging mascot ang mga bida sa

pangunguna nina B1 at B2, mga kaibigan oso na sina Lulu, Amy, at

Morgan pati si Dodeng Daga. Kaso bakit di masyadong sumikat sina

Po , Laa-Laa, Dipsy, at Tinky-Winky, a kasi di sila marunong

magTagalog. Pati si Mr. Bean hindi pinatawad ginawa ring cartoons.

 

34. Sa music industry sumikat ang mga mayayaman kasi di nila

kailangan ng royalties sa sales, ang mga pirated CD’s! Alam na alam

ng mga walang pambili ng mga orig albums, compilations at mga hard-

tofind-CD’s- at-Odyssey- and-SM-record- bars ang mga pamagat na

Cruisin’ volumes 1 to 3, Referendum volumes 1 to 9,787, Bandemonium

1-3, Rockology, Starbuck’s, Crunch, Chorus Girl, Rock Stuff, Disco

Inferno. Kaya naman sa panahong ito, ang mga dating P375.00 na CD ay

naging P250.00 na lang, ang iba ay P150.00, lalo na ang mga OPM.

Mahusay talaga ang Pinoy!

 

35. Kalunos lunos din ang mga isinapelikulang massacre events nung

90’s sa pasimuno ni Carlo J. Caparas. Ilan dito ang Vizconde

Massacre, Marikina Massacre, Lipa Masscre, The Cecilia Masagca

Story, Patayin sa Sindak si Barbara, at Burlesk Queen Ngayon. Patay

na silang lahat, pinatay ni Booba at Gagamboy.

 

36. Ang pagbisita ni Pope John Paul upang gunitain ang World Youth

Day na dinaluhan ng milyun-milyong deboto, delegates, at mga

kabataan upang ipauso ang “IT’S THE TIME FOR THE GREAT JUBILEE!”

Pagkatapos sisigaw ang lahat, “JOHN PAUL II, WE LOVE YOU!” Apat na

taon ang makalipas, ang sigaw ni Erap sa Quirino Grandstand, “WALANG

KAIBI-KAIBIGAN, WALANG KAMA-KAMAG-ANAK! “, hanggang kahit mga

kaibigan at kamag-anak niya’y natawa sa pagbabasa ng aklat na

pinamagatang, `Eraption.’

 

Sabi ng mga scientists, astrologers, seers, Manang Bola at ng prof

ko sa Humanities, magugunaw daw ang mundo pagkatapos ng 1999.

Nagunaw rin ang lahat ng pangarap kong umabot sa edad na ito at

makapagsulat ng mga ala-ala ng panahong lumipas. Pero hindi ito

naganap at sa halip ay heto ako at ika’y nariya’t nagbabasa ng mga

ungguyan at mahahalagang kaganapan nung panahong ang mga dating

aktibista ay nagrally na lang sa mga sinehan ng malls at skating

rink ng Megamall, hindi alam kung sila ba’y magra-rap o maghe-

headbang o magvo-volunteer para sabihing meron pa rin silang social

concern at malasakit sa kapwa.

 

Pilipinas, maibabalik ba ang kahapon? Game K P B?

…fromhttp://redflushed.multiply.com/journal

 

Posted by: malditangala | April 2, 2009

tago-taguan, maliwanag ang buwan….(syok-syok ka alfie)

karamihan sa atin ang pagiging bata ang pinakamasayang yugto ng ating buhay. hindi ito maaaring ikumpara sa kahit anupaman. ito ung panahong wala tayong iniintindi kundi ang maglaro kumain at matulog. walang masyadong problema, walang masyadong hassle sa buhay. maliban na nga lang kapag pinagdidiskitahan ni ate o kuya at kung pinatutulog sa tanghali ni inay. pero sa kabuuan, okey na.

maglaro, maglaro at maglaro….eto ang pinaka-essential ng ating pagiging bata. sa aking kabataan maraming klase ng laro  ang aking nasalihan at nalaro. anjan ang tumbang preso, patintero, agawan base, bahay-bahayan, lutu-lutuan, nanay tatay, chinese garter, doctor kwak kwak, jolens, langit-lupa-impyerno, ms. universe (pinakahate ko sa lahat), paninirador at cyempre taguan. taguan….eto ang pinakapaborito nameng magkakapatid. halos lahat kami tuwang-tuwa sa tuwing kabilugan ng buwan. hindi dahil sa napapalit kami ng katauhan at nagiging aswang o manananggal kundi dahil sa masayang maglaro ng taguan kapag kabilugan ng buwan. magmula kay kuya anto (pangatlo sa panganay) hanggang sa bunso nameng si jr ay sumasali sa taguan. dahil sa marami kaming magkakapatid, minsan kahit kami kami lang okey na.

pero minsan, kahit magkakapatid nagkakapikunan din gaya nung minsan naglaro kami ng taguan. lima lang kami nun, ang kuya anto ko, si annie, ako, si alfie at si jr. kakatapos  ko lang mataya at si alfie na ang susunod na taya. nagtago na kaming apat. si kuya anto sa tabi ng punso at dumapa sa bukiran, si annie at jr sa may likod ng kawayan nakahanap ng puwesto samantalang ako naman sinuot ko ung malaki’t makapal na jacket ng tatay ko sabay puwesto sa madilim na parte sa likod bahay. lahat kami kampante sa pagkakatago. buo ang loob na mahihirapan si alfie na hanapin kami. lumipas na ang labinlimang minuto at wala pa sa aming apat ang nakikita. maya maya kalahating oras na ang nakakalipas wala pa rin. dun na ako kinutuban. lumabas ako sa aking pagkakatago (basang basa na rin kasi ako ng pawis dahil sa jacket na suot ko) at hinanap ang taya. laking gulat ko ng pumasok ako sa bahay at nakita ko ang aking kapatid na nakaupo sa harap ng telebisyon at giliw na giliw sa panonood. tinawag ko ang mga kapatid ko na nasa kanilang tinataguan parin at sabay sumbong sa aming ama. tawa ng tawa ang aking ama sa nangyari samantalang ang bunso naman namen ay walang tigil sa pag iyak. sayang daw ung tago nya at di pa raw cya sawa sa paglalaro. nang dahil sa pangyayaring iyon nagkarron ng bagong pangalan si alfie “syok syok”….

minsan o kadalasan masarap balik balikan ang mga kaganapan sa ating buhay. minsan sa tuwing naaalala ko eto, bigla nalang akong napapangiti….kung sana ganun lang kasimple ulet ang buhay…

Posted by: malditangala | March 24, 2009

“itlog ng pugo o sanggol ng tao”

sino sa atin ang hindi naadik sa sa game show na “the weakest link”? kung tama ang pagkakaalala ko, sa channel 13 ito pinapalabas dati at si edu manzano ang host. isa eto sa mga nausong game show kasabay ng who wants to be a millionaire ni christopher de leon.

di naman ako gaanong matalinong tao pero makailang beses din akong niyakag ng ate ko para sumali pero dahil na rin sa aking pagiging mahiyain (oist shy type daw) kaya di nila ako napapayag. naadik din akong panoorin ang the weakest link dahil sa ilang mga kadahilanan. una, dahil mahilig talaga ako sa mga trivia. pangalawa, dahil sa nakakaaliw ang programa. at cyempre di pwedeng mawala ang ikatlong dahilan,  eto ay dahil kinabukasan eto ang unang una nameng magiging topic sa kuwentuhan.

di lang puro trivia at seryosong bagay ang meron sa programang eto. marami rin namang nakakatawang episode ang programa kalimitan eto ung mga mali maling sagot ng mga contestants dahil siguro sa pressure. at sa kanilang lahat di ko makakalimutan ung episode na sumali ung isang classmate ko sa philosophy of man. eto ung tanong na napunta sa kanya….”ano ang mas malaki itlog ng pugo o sanggol ng tao”. ang sinagot nya ay itlog ng pugo.

isang malaking kantiyawan kinabukasan. dahil sa isa siyang matalinong nilalang (sya po ang aking dakilang kakompetensya sa pagkuha ng flat 1 sa philo of man) may isang kaibigan ang nagtanong kung bakit un ang naisagot nya. at dun ko lang napagtanto na mas nakakaloka pala ung dahilan ng kanyang pagkakamali. eto ang sagot nya “ang dinig ko kasi sa tanong e ano ang mas malaki itlog ng pugo o itlog ng tao”…bwahahahah….

true to life story po yan. ayoko lang banggitin ang tunay nyang pangalan. baka kasi mademanda ako heheh…

Posted by: malditangala | March 24, 2009

ay sablay…

lahat ng tao may kanya kanyang ugali. meron mabait, tahimik, palabiro, makwento, palabati at kung anu ano pa. pero sabi nga nila di lahat ng magagandang bagay binibigay sa iisang tao lamang. minsan kahit gano pa kabait ang isang nilalang meron at meron siyang isa o dalawang kapintasan.

sa mahigit dalawampu’t walong taon kong nabubuhay dito sa mundo, may kung iba’t ibang uri ng tao na akong nakasalamuha. meron ung una okey pa, mukhang pwede kaming magkasundo kasi parang madali siyang pakisamahan at mukhang di naman kaartehan. subalit pagkaraan ng ilang linggo ayan na, isa isa ng bumubulaga sa iyo ang mga kakilakilabot nyang tinatago..ung iba naman sa simula palang e di na pwede. .

tama nga siguro na wag nalang mag expect para di ka madis appoint. eto na kasi ang panuntunan ko noon pa. pay may nakikilala ako di ako nag eexpect ng kahit anu. kung magiging okey kami bilang magkaibigan then why not coconut, diba? pero no pressure.

Posted by: malditangala | March 23, 2009

kwentong spa

sabi nila number one sign of aging daw ang pananakit ng likod at balakang. nitong mga nagdaang araw andami kong gawa kaya sobrang sakit ng aking katawan. kulang nga ang isang buong araw para makapagpahinga. sa mga ganitong pagkakataon ansarap sanang magrelax at magpamasahe. ayan, namiss ko tuloy bigla ung spahan ni sir lau sa may pateros ba un…di ko sure ung exact address nya pero dun un sa may malapit sa c5, natures spa ung name nya. idagdag mo pa ung mga nagmamasahe sa puerto galera…hay, kelan kaya ulet ako makakabisita sa spa nila sir lau….

September 8, 2008 → The Top Ten Spa/Salon/Barber Moments – Twisted Saint & Hindu Tan taken from chico garcia’s blog.

  1. Jose de vengenge – I have a very perverted friend. Once, he got a blind masseuse, and all the time during the massage, he kept moving and angling his body so th masseuse would accidentally touch his *toot*.
  2. McMaki – When I was about 7 years old, instead of going to a barber shop my sister brought to a salon. When it was my turn, the gay beautician said, “Magiging bakla itong batang ito.” I started crying!
  3. Jonathanweb2.0/Strangelybeauty – One time I was getting a foot spa, and when the masseuse touched a certain part of my foot which was very ticklish, I jerked and accidentally kicked her hard in the face!
  4. Lea – My friend and I went to a bulag masahista. When they were about to start. I told the masahista, “Manang, ang liwanag naman dito, nakakasilaw.” Then she said, “Pasensya na po, di kasi namin nakikita kung maliwanag o madilim.” Oops.
  5. Jose de vengenge – A friend’s story: As the masseuse was massaging his legs, he blurted out, “Miss, pag tinaas mo pa ng konti, mababangga mo na itlog ko.”
  6. No name – When my masahista comes to the house, I put on an action movie DVD. I get an extra 20-30 minutes because she wants to finish the movie.
  7. Mrs. Phelps – The first time I got a massage, the masseuse started massaging my boobs! I asked if that was necessary, and she said it was.  I just covered my face because I couldn’t take it.
  8. Royski – A foreigner friend was having a haircut and he asked the barber how long until they finished. The barber wanted to say that the shaving was the last part, but instead, he said, as he held the razor under the foreigner’s chin, “This…is your end.”
  9. Mulangot – First massage I ever got, the masseeuse asked if I was tense because I was clenching my butt.  I didn’t have the guts to tell her I was clenching  because I was holding my fart!
  10. Jose de vengenge – When the masseuse asked my friend to turn over, he hesitated. When the masseuse asked if anything was wrong, my friend answered in a meek voice, “Hintayin natin…lumambot…”
  11. angpaghihimagsiknijoeshred – I went to this parlor. And the gay beautician modus operandi was to drop the comb on your lap, and when he picks it up, he will touch your thingy.
  12. Kabodskie – The name of a barbershop in UPLB in the 70,s: “Karl Marx”, owned by barbers named Carlo and Marco.
  13. Cho Chang – I was at a salon and my stylist was rushing because it was lunch time.  She was snipping so fast that she accidentally snipped off part of my ear! I had to get injections on the same spot.
  14. Curt Smith – At a certain salon in the 80’s, I was resting my hand on the armrest, when the lady cuting my hair suddenly leaned forward, touching her crotch area to my hand!
  15. Kytes – I know of a case of a policeman who complained that he didn’t like his haircut and one thing lead to another and the policeman ended up dead because the barber stabbed him to death with his scissors.
  16. Chester – I’m a male spa therapist for so many years abroad. I had so many female clients before and I think professìonalism is the key in this work. One time, I was about to perform a full leg waxing with a caucasian woman, so I started by slowly raising her skirt, and after I lifted her skirt, she said in a very calm voice, “I’m here to have my eyebrows done.”
Posted by: malditangala | March 17, 2009

ang terasa at ang kwaderno….

ewan ko ba kung pano nagsimula ang lahat….

basta ang alam ko nakatuwaan ko na ang tumambay sa may terrace habang pinanonood ang mga sasakyang dumadaan sa highway malapit sa tirahan namen. mejo baguhan pa lang ako dito, anim na buwan at dalawampung araw pa lang ako dito pero marami na ang nagbago sa buhay ko. . .

naging habbit ko na ang magpalipas ng oras at sama ng loob dito sa terasa habang pinagmamasdan ang mga nagdaraang sasakyan tuwing Biyernes ng gabi. di ko maipaliwanag pero para nilang tinatangay ang isip ko kung saan – saan habang pinagmamasdan ko sila. sabi nga ng mga tao sa bahay eto daw ung pinakatambayan ko kapag nawawala na raw ako sa kuwarto isa lang ang lugar na paghahanapan nila sa akin, “sa terrace”.

pantanggal ng stress, pampawi ng lungkot at para makapagmeditate….eto siguro ang mga kadahilanan kaya ako naglalagi sa terasa. dito nakakapaglakbay ang aking isip kahet saan nya gusto. kapag gusto kong umuwi na bahay namen, nagagawa ko eto pero hanggang sa diwa lamang. kaya pag ako nagkaroon ng sarili kong bahay lalagyan ko cya ng napakalaking terasa.

dala ang aking kwaderno (notebook) dito sa teresa sinusulat ko lahat ng sumagi sa utak ko. minsan kung anu ano lang minsan naman mga saloobin na di ko mailabas labas at minsan (gaya nung biyernes) mga liham. mga liham na kahet kelan ay wala akong balak ipadala sa kung kanino man, gusto ko lang ilabas ung saloobin ko para sa kinauukulan. may 3 liham na ata ako ngayon at ang pinakabago e ung ginawa ko nung biyernes para sa isang tao.

Posted by: malditangala | March 16, 2009

musta na ang lovelife?

Last Friday ( 13th of the month) ako ang napagdiskitahan sa bahay. Lahat na ata sila (si ate ken, regs, kathy at kuya rene) may kanya kanyang banat sa akin lalo na tungkol sa lovelife ko. Kaya nga nung makita ko etong top ten nato sa blog ni chico garcia e kinopya ko na. Naisip ko kc sa susunod na may magtatanong sa akin tungkol sa lovelife ko, dito nalang ako mamumulot ng isasagot ko heheh…

September 2, 2008 → The Top Ten Answers To The Question, “Musta Na Lovelife?” – SC

  1. McMaki – “Eto, parang entry sa Morning Rush, hindi mapili-pili.”
  2. Jek Jek – “Eto, hinahanap pa rin ang hideout ng mga soulmate ko.”
  3. No name – “Bakit, kung sasabihin ko bang butata may magagawa ka?”
  4. Tammy – “Eto, parang epilepsy, pasumpong-sumpong…”
  5. Mnemonic – “Eto, parang ukay-ukay, 3 for 100 na nga lang, tinatawaran pa.”
  6. SC – “Eto, parang patis, ang daming gustong makisawsaw.”
  7. JP/Demeter/Jose de Vengenge/sabrinaileen/Astroboy/Mary Poppins/Tomba – “Eto, parang Coke, ZERO.”
  8. Cleng – “Eto, single…single parent.”
  9. Maynman – “Sinubukan ko na lahat: girl, boy, bakla, tomboy, wala talaga!”
  10. Fat_free – Sagot ng officemate ko tuwing may magtatanong sa kanya nito: “P*tang*na mo rin!”
  11. Miles – “Feeling ko ilang buwan pa, kaong na ito!”
  12. No name – “Eto, parang ikaw, hindi maganda.”
  13. Jun13 – “Eto, parang gobyerno, bulok.”
  14. Jun13/Kresha – “Eto, parang sinabawang gulay…makulay.”
  15. Malerna/Popsicle/SC/tata2818/billog/preternatural – “Eto, self-supporting.”
  16. Oceandip27 – “Eto, parang kaning bahaw, malamig.”
  17. Letskie – “Eto, parang pag-nguya ng chewing gum, sa una masarap, pagtagal nawawalan na ng lasa…ang sarap na iluwa.”
  18. Patrick – “Buti pa ang chemistry class ko, may lab.”
  19. Panulay – “Eto, parang pasko, once a year lang.”
  20. Kid Bukid – “Manong, bayad muna, bago lovelife!”
  21. Yñaki – “Will you shut up and let me breastfeed in peace?”
  22. Astroboy/Analyst – “Tulad ng sabi ng Friendster account ko, it’s complicated.”
  23. Twylyt – “Eto, ang lovelife ko, parang buhok mo…bagsak!”
  24. Josef – “Eto, parang face mo…ang pangit!”
  25. Dru – “Eto, parang taxi: bawal mamili, bawal mabakante, at bawal tumanggi pag may gusto sumakay!”
  26. TReiz – “It’s like a vacuum cleaner, it sucks.”
  27. Twylyt – “Eto, parang mga kuko mo sa paa…patay!”
  28. Jollibee – “Eto, parang palitaw, lulubog, lilitaw.”
  29. Gothicx313 – “Eto, parang buhok mo sa kilikili, magulo!”
  30. MMC – “Eto, parang funeraria, walang kabuhay-buhay!”
  31. Baloy/Mang Jose – “Ano, gusto mo suntukan na lang!”
  32. No name – “Eto, taken…taken for granted!”
  33. No name – “Eto, hinihintay ka pa rin…”

No name – “Eto, parang google, always searching…”

« Newer Posts - Older Posts »

Categories