Posted by: malditangala | June 12, 2014

nang mapadpad sa bkk

Sabi nila karamihan ng mga lakad na natutuloy ay iyong mga hindi planado, ung mga biglaan lang, marahil tama nga sila. Ito ang nangyari sa amin na biglaang nakarating ng bangkok ng walang kaplano plano at walang kabudget budget. Kapwa wala pa kaming sahod ng mga panahong iyon (isang linggo pa ang hihintayin bago sumahod) ngunit  dahil sa nalalapit na apat na araw na walang pasok kaya bigla nalang kaming nagkayayaan ng kaibigan ko (na kasama ko din sa bahay) na mag out of the country. Una ang usapan namen e yung malapit lang para di masyadong mahal ang pamasahe, medyo budget concious kami kasi pareho kaming kagagaling lang sa madugong gastusan.   Bunga ng aming pagtatanong sa mga travel agencies at pananaliksik sa internet, napagdesisyunan namen na sa bangkok nalang pumunta. Walang tourist guide at backpackers lang kami, bahala na si batman ang peg. Ang tutuluyan namen ay isang 2 star hotel (hostel nga ata ang dapat tawag dun), sa may Khao San Road (backpackers’ haven daw ang lugar na yun). Saktong tulugan at liguan lang, hindi naman kasi kami pupunta dun para maglagi at magtulog lang sa hotel.

Gabi na kami nakarating sa Suvarnabhumi Airport (mukhang bago at di pa tapos ang airport nila). Medyo umuulan ulan pa ng dumating kami. Magbabus sana kami para mas makatipid subalit dahil sa hindi namen kabisado ang lugar minabuti nalang namen na magtaxi nalang para siguradong makakarating kami sa aming dapat puntahan. Traffic ang unang sumalubong sa amin paglabas namen ng airport (mukhang hindi na ata maiiwasan ang traffice at kahit saan ka magpunta e meron at meron talagang lugar na matraffic lalo na pagkatapos ng ulan).

Una kong napansin ang di malayong pagkakahawig ng lugar sa Pilipinas. Pakiramdam ko ay nasa Maynila lang ako (sa may Espanya) kung saan kalimitan ng mga gusaling madadaan ay mga may kalumaan na. Pati na rin ang mga bahay ng mga residente makikita mo na medyo may mga kalumaan na din. At ang pinakagusto ko sa lahat, madaming puno. Magandang tignan ang isang lugar na maraming puno at sariwa ang hangin. Wala naman gaanong basura maliban na lamang dun sa medyo malapit  sa palengke. Isang bagay lang ang napansin ko, maliban sa mga templo madami silang mga “tiangge” lalo na sa Khao San Road bawat kanto ata ay may mga tiangge.

Isa sa kagandahan ng pagkuha ng matutuluyan sa may Khao San Road, aside sa mura ang mga hostel dun ay malapit lang sa mga tourist spots (walking distance lang basta mahilig kang maglakad) gaya ng grand palace, reclining buddha, wat arun temple (sasakay ng bangka patawid sa kabilang side ng ilog).

Sabi nila maganda daw na makisalamuha sa mga tao sa paligid, sa mga taga doon mismo o lokal ng lugar. Tama nga naman sila, dahil dito nakakuha kami ng madaming tips at tinulungan pa nya kaming makakuha ng tuktuk at sya na din mismo ang nakipag usap sa driver na wag kaming singilin ng mahal. Sa buong maghapon nameng pamamasyal, 100 bhat lang ang binayad namen sa kanya.

Bayad sa hostel: 1989 bhat (4 days and 3 nights including breakfast)

Taxi magbuhat airport hanggang Khao San Road: 500 bhat, mas makakamura kayo pag nag airport bus nalang kau mga 150 bhat lang ang bayad.

 

316894_10150265810726191_5794648_n

reclining buddha

294840_10150265808146191_4753330_n 316166_10150265810176191_1414292_n grandpalace lantern

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: