Posted by: malditangala | June 14, 2012

bata lang – istorya ng kamusmusan

Ako na ata ang pinakabatang apo sa side ng tatay ko. Mejo late na kasi syang nag asawa kaya kalimitan ang mga kasing edad ko ay hindi na mga pinsan kundi mga pamangkin na ng mga pinsan pinsan ko. Dahil sa wala akong kasing edad, bihira lang ang mga nakakasundo ko, kalimitan ang nakakausap ko ay ang mga matatanda. Malimit din akong mag isa (hanggang ngayon), maglarong mag isa at kumanta sa isip ko lang ha. Pero ganun pa man, lumaki naman akong gaya ng mga ordinaryong bata. May mga naging kaibigan din ako, karamihan nga lang ay mga lalaki. Mahilig akong umakyat sa mga puno, makipaglaro ng bahay bahayan, agawan base, patintero, taguan, baseball, luksong tinik at sumamang manirador ng mga ibon.

Nakakatuwang isipin at pagnilay nilayan ang mga  kwento ng ating kabataan. Isa sa pinaka nakakatawang kwento ng aking kamusmusan ay yung kwentong galing pa mismo sa lola ko. Ikinuwento nya eto sa lahat ng mga anak nya (mga tito at tita ko) at sa mga pinsan ko at sa kanila ko na narinig ang kwentong eto kasi walong taong gulang palang ako nung iniwan kami ng lola ko at kinuha na sya ni Papa Lord. Eto ang kwento: Ayaw ng lola ko  ng mahabang buhok lalo na kung hindi eto naaayos at laging natatakpan ang mata. Gustong gusto nya yung maaliwalas tignan ang mukha. Minsan daw na bumisita ang lola ko sa bahay namen (taga Maynila kasi sya at kami ay sa probinsya nakatira). Dahil sa hindi ako pala-ayos at lagi ako sa galaan, napagtuunan nya ng pansin ang aking noon ay papahaba ng buhok. Nagsabi nman daw sya sa aking ama na gugupitan nya ako at naduduling na daw ako sa buhok ko. At dahil sa ayokong gupitan ang buhok ko (isang malaking pangarap ko nung bata ang magpahaba ng buhok para maitirintas ng kagaya ng aking rugdoll) pero wala akong magawa dahil sa lola ko ang may hawak ng gunting at gumugupit sakin. Tumutulo daw ang luha ko habang ginugupitan ako ng lola ko at kumakanta daw ako ng “Napakasakit Kuya Eddie ang sinapit ng aking buhay”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: