Posted by: malditangala | June 17, 2009

ang buhay single

marami ang nagtataka bakit daw hanggang ngayon wala pa akong asawa or kahit boyfriend man lang. ang iba nga sa kanila minsan tinatanong kung masyado daw ba akong pihikan kaya hanggang sa edad kong eto e single pa rin ako.  may kanya kanya tayong dahilan kung bakit ganito at bakit ganun…minsan mahirap ipaliwanag sa ibang tao kasi di mo rin alam kung maiintindihan nila ang point mo. sa kaso ko, tama na ang minsan nagtry akong ipaliwanag ang nasa puso ko.  ayoko ng ulit ulitin pa kasi magmumukha lang syang parang sirang plaka.

**AnG bUhaY SiNgLe bY McG

Bakit ba tuwing may “get2geder” ang mga tao, mapa-family reunion man or simpleng barkada gimik, ang unang tanong sayo ay “May boyfriend ka ba?” at bago ka pa maka-sagot ay maririnig mo naman ang “Bakett walaaaaaa??!” Hayyy, kelangan ba talagang may bitbit kang boylet sa mga occasions na ito? Pano kung wala talaga? Alanganamang maki-usap pa ako sa mga “close” guy friends ko para mag-panggap na “kami”?! Di naman ata tama yun, dee-bah? How I wish na sana mas maintindihan ng mga tao na sa mga panahon ngayon ay “accepted” na sa society na MEDYO made-delay ang pag-iisang dibdib ng mga kababaihan.. especially girls like me who want to get into so many things all at the same time. I also wish that people would understand that OKAY LANG AKO and the rest of THE SAMAHANG MALAMIG ANG PASKO… Valentines day.. Birthday..etc. I mean, we do get lonely once in a while.. naiingit din dun sa may mga LOVELIFE… paminsan-minsan? kung minsan naman ay nagmumuni sa mga past kilig moments? but these lonely moments do not and will not make our “world” stop… Isipin nyo nalang, na kung wala kaming mga single friends nyo, eh di wala kayong paghihingaan ng sama ng loob tuwing nag-aaway kayo ng boylet or girlet nyo? wala rin kayong “instant date” kung sakaling nangailangan kayo?… wala rin kayong mahihila sa mall para maghanap ng magandang regalo for your better-half pag xmas… o kaya pag bday nya? at ang pinaka-mahalaga sa lahat, wala kayong KAKAMPI if things between you and your labidabs don’t work out. Marami naman sa aming mga singles ay nakaranas na rin na “ma-in-love”.. yun nga lang, obvious ba?????????? it all didn’t work out! Pero di naman kami “bitter” o galit sa mundo? and totoo nga nyan eh mas lumalalim ang kahulugan ng “love” para sa min. When you’re all by yourself, there’s more time to reflect and think what you really want in life. Mas naiisip mo kung ano ba talaga ang makakapagbigay ng tunay na ligaya sayo… at mas naiisip mo kung pano matutupad ang lahat ng mga pangarap mo. And while reflecting, we also get to imagine that we will, one day…. end up with someone who will share those dreams with us. Di naman sa nang-iinggit ako pero masaya rin ang buhay naming mga single… Biruin mo we can go out with anybody, anytime..that is. We can get into all kinds of things.. like go to the gym regularly.. or get into all kinds of sports… or any “Self-enhancement” programs, etc… Mejo tipid din ang buhay single kasi la naman kaming po-problemahin tuwing Valentines day or Christmas? o diba ang saya? Sa palagay ko naman ay lahat tayo ay may karapatang sumaya ke single man o attached ka. I guess may kanya-kanya lang tayong panahong lumigaya at Diyos lamang ang makapagsasabi… kung kelan nga dadating and oras na yon. So, para sa mga kasalukuyang “ATTACHED”, I wish you all the luck and happiness. Should there be any problems, don’t forget that your SINGLE friends are always here for you!!!!! Sa mga “bagong SINGLES” naman, wag nang magmukmok! Enjoy life…. enjoy the single life!!! There are a lot of things that you will still discover. At tandaan mo, DI KA NAG-IISA!!! madami-dami tayo..hehehehe 🙂 At dun naman sa kapwa kong mga SINGLES? I hope that we are one in believing that we long for someone NOT BECAUSE WE WANT TO BE HAPPY but we long for someone because we want to share our happiness with that special person for the rest of our lives….

Advertisements

Responses

  1. hmmm napadaan lang po…

    lam mo na basta single ang pinaguusapan intresado ako palagi.. hmmm ksi single din ako hahaha

    tama yun… naranasan ko lahat yan sinasabi mong yan… haizzz tama ka…

    nice blog you have here.. 😉

    • salamat sa pagbisita…

  2. hala ganun nga talaga ang mga pamilya natin….noong bata tayo halos pigilang mag-asawa….ngayon naman halos ipagtulakan…
    nasaan ang freedom? hahahahahahha

    • tama ka dun kapatid…ako nga kahit tatay ko nagmamatch making na para sa akin….sabi ko nga wag nilang pilitin darating at darating din un heheheh….
      salamat sa pagbisita…

  3. huh! 2011 na ngayon at super nakakarelate ako sa yo girl. Darating at darating din ang mga takip natin don’t worry..:)) ako nga at 36 naghahanap pa rin ng takip eh, checking Kung fit ba or may leak;)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: