Posted by: malditangala | April 5, 2009

ating balikan….

minsan di naten maiwasan ang magmunimuni. ansarap kasing balikan ng mga bagay nang ating nakaraan, kahit ano pa yan. kaya ng makita ko eto sa isang blog naisipan ko siyang kopyahin. nagpaalam naman ako sa aking kaibigan.

una ko etong nabasa sa blog ng isang kaibigan at sa sobrang tuwa ko ay kinopya ko para ishare sa lahat…

 

1. Jolina Magdangal – kapartner ni Marvin Agustin kung saan

nauso ang chuvachuchu chuvachuchu at mga parang Chirstmas tree na

hairstyle at outfit. At alam na alam mong nagmula si Jolina, o

Jolens para sa mga miyembro ng Jolina Magdangal Fansclub AMA

Computer College Chapter, sa sikat na sikat na TV show kapag 4:30

na! ANG TV NA! Kilala mo rin sina Lindsay Custodio, Victor Neri,

Francesca (Cheska) at Patrick Garcia, Vandolph, Jan Marini, Rica

Peralejo, atbp. Patok na patok din ang TGIS at ang kalaban nitong

Gimik. Dapat kilala mo sina Wacks (Joaquin Torress III) at Peachy,

sa Gimik naman nakilala si G Toengi na naging hostess ng Music

Bureau with FrancisM na pinalitan ni Jao Mapa.

 

2. Kapag ikaw ay kapos na sa mga salita ay maaari mong gamitin

ang mga katagang chuva, chenes, chenelin, ganun, ganun-ganun, ayun o

kaya ang mga expressions na “Wala lang“, “Ano

ba `yan?,” “OVEEEERRR,” that later on evolved to “WHY NOTTTTTT??”

courtesy of Kris Aquino.

 

3. Robinson’s Galleria na napabalitang may ahas daw sa fitting

room na ang pangalan ay Robina (famed sister of Robinson). Biktima

rito si Alice Dixson na umano’y tumakbong naka-bra at panty lang

nang makita ang ahas sa fitting room. Malamang ang balitang ito ay

black propaganda ng Megamall.

 

4. Speaking of malls, sa panahong ito rin nauso ang arcade

games (bulok pa ang Ragnarok at ano pang online gaming sa

kasalukuyan) . Astig ka kapag pupunta ka ng Glico’s sa Quad (Timezone

sa Glorietta ngayon) tapos marunong kang mag Street Fighter o Virtual    

Fighter. Kung ayaw mo naman ng violence e pwede kang mag-Dance Revo!

 

5. Ang digmaan ng mga Hip-hop at Metal. Sabi ng Hip-hop “YO!

WASSUP, HIPHOP HOOORRAAAAAYYY! ” Sagot ng mga Metal, “HIPHOP BULOK!!

PUNKS’ NOT DEAD! ANARCHY! ANARCHY!” Uso ito sa Megamall. Mga hiphop

na naka-pinahabang puruntong o pinaikling pantalon o kaya baggy

pants, low waist, at may mga blingblings na peace sign o kaya kadena

ng bisikleta o fanbelt. Ang mga metal laging naka-itim (Top 40 na

tshirt, Pantera, Pearl Jam, Nirvana, Sepultura, Metallica, etc.)

tapos naka-fit na pantalon at Chuck Taylor. Ang mga Hiphop ay flat

tops ang buhok na may guhit pa minsan sa gilid samantalang ang mge

metal ay GQ ang buhok na naka-undercut pa. Lahat ng metal marunong

mag-gitara kahit ang alam lang tugtugin ay `Line to Heaven’ ng

Introvoys (Intro: D-A-G-A; intro lang kasi nga Intro-boys). Kung may

identity crisis ka malamang ay ang papakinggan mo na lang ay si

FrancisM, rap na may heavy distortion ang guitar riffs, astig ang

bahista ng Hardware Syndrome with matching scratches ni DJ Kimozave

at ba-backup naman ang Evil Stepsisters.

 

6. Eraserheads – karugtong ng digmaan ng mga Hiphop at Metal.

Sila ang muling nagpauso ng Chuck Taylor. `Pare Ko’ ang pangalawa

sa `Line to Heaven’ na alam gitarahin ng mga gustong maging katulad

ni Ely. Nag-ambisyon ang lahat na mapabilang sa isang banda. Kung

kilala mo ang Eheads, malamang alam mo rin ang Yano, The Youth,

Razorback, Color It Red, Mastaplann (teka, Hiphop yata ito), Dahong

Palay, Reanimator, Death by Stereo, Rizal Underground, Rivermaya,

True Faith, Fatal Posporos, Datu’s Tribe, Tribal Fish, Arachnida,

Alamid, Teeth, at alam mong hindi kano si Basti Artadi ng Wolfgang

(imagine Eddie Vedder singing `Halik ni Hudas’).

 

7. Ultimate Warrior – namatay daw dahil binuhat si Andre the

Giant (na namatay din that time). May ibang balitang namatay siya

dahil daw pumutok ang muscles niya sa sobrang higpit ng tali.

 

8. Teenage Mutant Ninja Turtles – sina Leonardo, Michaelangelo,

Donatello, Raphael. Master nila si Splinter, kaibigang reporter si

April O’Neal. Kalaban sina Shredder, Bebop, Rocksteady, Krang at ang

mga Foot Soldiers (na parang mga tauhan ni Dr. Man ng Bioman). Tapos

uso ang retromutagen ooze na mabibilil mo sa suking SM

toyland. “COWABUNGA, DUDE!”

 

9. Ang Pepsi 349 Scandal. Kung valid man ang libo libong claims

ng mga Pilipinong nakakuha ng tansan na may tatak sa ilalim na 349

ay hindi ito makaka-apekto sa lumalalang global warming na

nararanasan ng mundo. Ang nakapag-benefit lang dito ay ang Coke

dahil sa libo libong nag-boycott sa Pepsi na feeling nila ay na-

raket lang sila. (Parang 80’s yata ito)

 

10. Ang Alamat ng Zagu. Ito ay ang pinasosyal na palamig, sago

at gulaman. Kung anong meron dito ay ang pakiramdam na ikaw ay IN,

HIP, at COOL. Ang pila dito ay singhaba ng pila sa US embassy na

gustong makakita ng snow at pumunta ng Disneyland (wala pa kasing

Hong Kong Disneyland e) at ang kumpol ng mga tinedyers na may supsop

supsop na Zagu ay sindami ng mga lalaking naka-white t-shirt sa

Kalaw na nagbabakasakaling maging seaman at OFW. Talaga naman

everyone went gaga over zagu.

 

11. Easycall at Beeper 125. Wala lang ganun, text messaging na

itatawag mo pa sa call center para masabi mong I M HERE AT HOM, PLS

COME OEVR. Tapos yung may pager na nasa labas hahanap ng payphone

para tawagan ang nag-page sa kanya. Kaso mahirap makakuha ng txtmate

dito, di ko lang sure ko pwedeng i-page ang SAN N U? D2 N ME.Ü

 

12. Bago nakilala si Shakira ay sumikat muna si Thalia na mas

kilala nating gumanap bilang Marimar. Pero mali ang nagsabing ito

ang unang telenovela na naipalabas sa Pilipinas dahil nauna rito ang

La Traidora sa channel 9. Kilala mo siguro si Pulgoso at Padre Pio

at sino bang makakalimot kay Fernando Jose na mas kinky pa ang buhok

sa dibdib kesa sa ulo, salamat kay Ogie Alcasid dahil mas nabigyan

niya ng hustisya ang papel na ito. Sinundan ito ng mga makasaysayang

Maria La Del Barrio na nagevolve sa Taiwan bilang Meteor Garden at

nang mapunta sa Korea ay naging Jewel in the Palace.

 

13. Speaking of Ogie Alcasid, bago pa man ang Bubble Gang ay una

na tayong pinalagpak sa upuan kakatawa ng Tropang Trumpo. Nariyan

ang Caronia dance na kahit ito lang ang alam mong sayawin ay kayang

kaya mong talunin si Charlene Gonzales sa Feel Like Dancing. Dito

rin nakilala si Earl Ignacio (ang boses sa likod ni Peter Pan) na

naging syota ni Cristine Bersola bago siya naging Mrs. Babao.

 

14. The Uncanny X-Men. Ang lyrics ng intro at ending nito ay

tinginingininini tinginingingini, ting ting! Love story ito, umikot

ang kwento sa love triangle nila Cyclops, Jean Grey at Wolverine.

Bakit kasi lahat ng hinahalikan ni Rogue ay nanghihina. Si Jubilee

ba ay babae o batang babae? Kapatid ba ni Storm si Undertaker kasi

parehong nawawala ang pupil ng mga mata nila? Meron palang halimaw

na kulay blue, sa totoo lang siya si Grimace ng McDonald’s at

nagiging bestial lang siya kapag tinawag siya ni Professor X. Kung

iisipin mo mas wholesome panoorin ang Captain Planet, pwedeng

pambata at pwede ring pang-environmentali st. GO PLANET!!

 

15. Nung panahon ng Miss Universe (circa Charlene Gonzales,

Shushmita Sen, Viveka Babajee, at Dayanara Torres) ay lahat ng

lalaki kahit babae ay patay na patay kay Miss Belguim. Siya si

Christelle Roelandts na pagkatapos ng pageant ay di na natin alam

kung anong nangyari sa kanya. Pero may nabalitang nakapag-asawa siya

ng astronaut at nanay siya ng quadruplets na huwag mong paniwalaan

kasi imbento ko lang ang bahagi ng kwentong ito.

 

16. Balik tayo sa Megamall. Nung dekada ring ito nagkalat ang

balitang wag kang manunood ng sine sa mall na ito kasi may nang-

iinjection ng AIDS dito. Siguro ganti ito ng Robinson’s Galleria sa

kanila nang sumunod kasi na araw sa Megamal na bumili ng bra at

panty si Alice Dixson.

 

17. Ang Sabado Nights Girl na si Ina Raymundo na ina na sa

totoong buhay. Ang awiting Sabado Nights ay kinanta ng Rizal

Underground. Wala na akong ibang kwento tungkol dito.


 


18. Sa panahon ding ito sumikat ang matinee idol na naging

inspirasyon ng maraming kabataan dahil sa pagiging love team nila ni

Judy Ann. Ang nasirang si Rico Yan. Ang ipinagtataka ko lang ay

nauna lang nag kaunti ang pagkamatay nina Lucio San Pedro at Levi

Celerio, na itinuturing nating mga Alagad Ng Sining, sa pagkamatay

ni Rico Yan, pero mas nagdalamhati ang sambayanan nang malaman

nilang hindi na pala magkakabalikan sina Claudine Baretto at Rico

Yan kasi nga namatay si Rico Yan sa piling ni Dominic Ochoa. Kung

overdose sa ecstasy ang kaniyang ikinamatay o dahil sa bangungot ay

hindi na mahalaga dahil sa panahong ito isinilang ang Rico Yan Youth

Foundation, hayan may kabuluhan naman pala.

 

19. Nung wala pang Ipod at nalaos na ang walkman ay nauso naman

ang discman nuong dekada `90. Kaya lang, mahirap mag-jogging na ang

bibit mo ay walkman dahil skip lang nang skip ang lens sa CD at di

mo mapatugtog ng maayos. Di rin pwede sa kotse kasi pag nalubak o

dumaan sa hump o biglang huminto ay skip na naman ang discman bago

pa naimbeto ang CD player na may anti-shock. Kaso bakit di nauso ang

discman na may FM/AM receiver?

 

Kung naka-abot ka sa bahaging ito at naka-relate sa karamihan ng mga

nakasulat dito, malamang ay high school ka nung panahong laos na ang

mga larong tumbang preso, taguan, teks, chinese garter, step no, at

piko. At ang hinlalaki mo ay puro kalyo na kaka-pindot ng controller

ng Family Computer. Siguro ngayon ay isa ka nang propesyunal o

family person o kung ano man ang iyong ginagawa na kahit abalang

abala sa maraming bagay ay meron pa ring naitatabing oras para

sariwain ang alaala ng nakalipas at ang katotohanan ng buhay na

minsan ay nagturo sa iyong harapin ang kinabukasan.

 

Dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko, sa dami talaga ng mga ala-ala

ng nakalipas na dekadang kailangang habulin ng isip ko, heto at

muling bubulabugin ang inyong mga pagmumunimuni ng malikot na

recollections ng mga ayaw umaming matatanda na sila ngayon na sila

ay mga ex-GenX people..Kitams pati ako ayaw umamin.

 

(Item Nos. 1-19 sa Dekada Nineties, part one)

 

20. Uumpisahan ko ang item dito ng pagtatapos ng dekada 90. Ang

lagim ng Millenium Bug. Sino ang hindi nangamba sa pagsasara ng

1999, sa eksaktong araw na December 31 at eksaktong oras na 00:00 ay

magsha-shutdown daw ang lahat ng computer? May mga haka-haka rin na

babalik tayo sa Stone Age where all computers would be useless and

we would be back to the primitive ways of our ancestors. Pero sa

palagay ko, hindi naman talaga na-extinct ang `stone’ age. Marami pa

rin sa kabataan ang `stoned’, `batong bato’ na sa buhay, “yeah man,

c’mon I see god in my aluminum foil”. Mas malagim pa ito sa

Millenium Bug. Ang tanong, kelan at paano ba ito magsha-shutdown?

 

21. Bago naging ecstasy ang trip ng mga nabato na sa bato, sino bang

hindi nakakaalam ng lyrics ng makabagbagdamdaming kundimang

pinamagatang “Extasi Extano”? “Extasi, extano, extasi,

extano..silakono testegustara porlosnakumba tegastaya porlokasi asi

mi gustami asi mi gustami, extasi, eba eba, extano..” Dahil di

maintindihan, pinauso ang mga kantang pwedeng sayawin tulad ng Dying

Inside, Always (I wanna be with you..), Informer, Hello

Africa, `yung “All you wanna do is ama-zoom-zoom- zoom and a-boom-

boom”, at ang hndi pinatawad na si ANNN-GE-LI-NNNAAAA, “ang baho ng

*$@*=+*/$*&* &**@##…” kinain na yung tape kasi di pa uso sa album

cover ang PARENTAL ADVISORY, EXPLICIT LYRICS.

 

22. Nandyan ang Universal Motion Dancers na inOLWAYS ang Butterfly

Dance na namuo ng cocoon ng pagmamahalan nina Juday at Wowee De

Guzman. Pero mas astig pag marunong kang mag-Running Man at mag-

Roger Rabbit. Kahit mga metal aamin na kayang kaya nilang sayawin

ang mga ito bago naimbento ang Otso-otso. E ang loveteam ni Aiza at

Spencer alam nyo? Worm dance at TICK-TACK naman dyan mga streetvoyz!

 

23. In na in ang mga pantalong tinatawag na ELEPHANT kasi kahit

binti ni Dumbo e kasyang kasya sa luwag. At ang mga pundya ay lawlaw

na sa kapipilit i-low-waist ito. Uso ito sa mga Hiphop. Kung metal

ka, ang pantalon mong fit ay dapat naka-tupi ng isang beses ang

ilalim at alam mo sa pagkakatupi kung ang Levi’s ay orig o pinatahi

sa suking sastre. Tapos may mga sinapian din ni Elvis Presley na

pumorma ng mga AMBELL o boot cut na pantalon. Minsan kahit staight

cut naman ay pipiliting maging ambell kahit iba ang kulay ng

ikakabit na triangle sa orihinal na tela ng pantalon.

 

24. Bago sumikat ang “kelangan pa bang imemorayz yaaaan?,” halos

lahat ng may radyo ay nakikinig sa 97.1 DWLS FM, lalo na ang award

winning Top 20 at 12 ni Triggerman. Dahil sa pangalan nya at

iritableng paikipag-usap sa mga callers ay minsan nang binigyan ng

taning ang kanyang buhay. Meron kasing obsessed sa kantang `MmmBop’

nang tinalo ito ng kantang `Don’t Fade Away’ na naging Top 1 minsan

sa kanyang show.

 

25. At sinong makakalimot sa pagsikat ng mga groupbands, boybands at

mga girlbands na nagpalaos sa headband ni Donna Cruz? Nandyan ang

Ace of Base, Backstreetboys, Westlife, Nsync, Boyzone, Savage

Garden, Hanson, Moffats, Gil, Five, S Club 7, Salt N Pepa , A1, Human

Nature, Kris Kross, at napabalitang mga bading ang Spice Girls bukod

kay Scary Spice. Pero natabunan ito ng pag-amin na bading si Nick

Carter na tinakpan ng balitang iniwan na ni April Boy Regino ang mga

kapatid niyang sina Vingo at Jimmy ng April Boys, nakakalungkot.

 

26. Buhay na buhay ang Star City na parang anino lang niya ang

katabing Boom na Boom nung panahong ito. Patok na patok pa ang mga

pangalang Wow na Wow, Big Bang sa Alabang, Payanig sa Pasig ,

Peryahan sa Baclaran at Tikbalang sa Malacañang. Sa Star City

nandooon ang Zyclon Loop na kaunaunahang rollercoaster na may 360

degrees loop sa Pilipinas. Matatagpuan din dito ang Wild River na

kelangan mabasa hindi lang ang pwetan mo kundi buong katawan. Dati

narito ang Jurassic Park , Alcatraz , at Wimpol’s Ice World. Pero

lahat ng ito ay incarnation lang ng Fiesta Carnival na trip na trip

ng mga mas matanda pa sa atin.

27. Sa pagsuko ng Game & Watch at hindi pa pinapanganak na si

GameBoy, GameBoy Advance at PSP, ay umusbong ang magiting na si

BRICK GAME! Isipin mo ginawang handy ang Tetris ng Family Computer

at di pinalagpas ang mga kapatid nitong 4-in-1 at 1,000,000-in- 1 na

Brick Game. Bago nalagay sa 3210 ang Snake ay meron na sa Brick Game

nito. Ano, at meron pang Brick Game Challenge sa Eat Bulaga, saan ka

pa? 

28. E Pog Pack meron ka? Libre ito dati sa Coke halos kasabay ng

pagdemote kay Barbie at Ken sa katauhan (ka-alienan) ng mga Trolls!

May kamukha silang 2 artista, CLUE: isang babae at isang lalakeng

ginawang babae, ang kumanta ng “Cute cute cute, cutie cutie cutie

cute, cute cute cute..” Iba-ibang kulay ng buhok ng Trolls na

nakataas parang laging naka-spray net. Kaso di mo malaman ang

kasarian nila parang mga hermaphrodites as in, mga di tiyak at

walang kasarian!

 29. Nung 90’s din nauso ang PopSwatch, baseball cap na Boy London na

may bakal na laging suot ni Robin Padilla at Dennis Padilla, at

Giordano Classics na dating tao na naging palaka. Walang tatalo sa

pagsikat ng mga branded na t-shirts tulad ng Fubu at Tommy Hilfiger

na mabibili mo sa halagang 3 for P100, bargain na bargain pwede pang

tawaran para may pambili ka ng choki-choki (ala mo yung tsokolateng

pinipisil at sinusupsop yung buong plastic?).

 

30. At ang brown-out na hindi bababa sa 10years per day! Grabe sa

init nuon, basangbasa na ang kilikili mo kakapaypay wala ka naming

magawa kahit bumili ka ng ice cream o ice tubig kasi brown-out din

ang mga tindahan. Nung malapit nang mag-eleksyon, ayan may ilaw na

ulit, salamat sa rasyong kandila’t pamaypay. Buti pwedeng pumunta ng

Quad, Megamall o Galleria para magpahangin at maglibang.

 

31. Sa kabila ng mga kasiyahan, kagitingan, kabaduyan, kajologsan,

at katalinuhan nung 90’s, atin ding alalahanin ang mga kabikabila at

sunod sunod na mga trahedyang naranasan sa Pilipinas. Ang lindol na

nagpabagsak sa Hyatt Hotel sa Baguio at nagpalubog ng Dagupan at

nagbigay sa Marikina ng Fault Line at kumitil ng libo libo nating

mga kababayan, lalaki, babae, at mga bata. Ang Ormoc landslide. Ang

Pagoda Tragedy. Ang nagpalubog sa ilang bahagi ng Pampanga at mga

karatig bayan nito nang pumutok ang Mt. Pinatubo . Nauso ang mga

evacuation centers, at dito naman naipamalas ang modernong bayanihan

ng mga Pinoy. Maraming mga NGO’s at individual volunteers ang

gumagawa ng mga hakbang upang tumugon sa pangangailang ng mga taong

biktima ng mga trahedya. Nariyan ang pamamahagi ng mga relief goods,

lumang damit, laruan, libro, toothbrush, toothpaste, sabon, at iba

pang mga donasyon na nag-inspire kay Aga Muhlach para i-launch

ang `Ma-Aga ang Pasko sa Jollibee’. Astig. Ito ang pinaka-astig na

mga nagsilabasan nung 90’s. Saludo ako sa inyo.

 

32. Malaki rin ang pinsalang naidulot sa Philippine film industry ng

mga chenelin at chuvang “take it, take it!” ni Ms. Mauritius Viveka

Babajee. Dito nagkaroon ng lamat ang ugnayang Lolit Solis at Gabby

Concepcion. Sayang sino nga bang nakakuha ng trophy? Speaking of

pelikula, sa panahon ding ito nauso ang mga pelikulang hitik na

hitik sa kabuluhan sa buhay, tungkol sa gulay at pangalan ng babae.

Kangkungan (Kandungan pala), Patikim ng P-nya, Itlog, Curacha,

Selya, Hagedorn, Onyok, at Kokey. Ayus!

 

33. Sa TV, nariyan ang pagsikat ng mga Tagalized cartoon series na

inumpisahan nina, Cedie, Princess Sarah, Peter Pan, Heidi, Remi,

Nelo at Patrasche, Maria ng the Trapp Family Singers, si Santa, ang

tambalang Sailor Moon (real name: Bunny Tsukino) at Tuxedo Mask

(real name: Mamuro) na barkada nina Sailors Jupiter, Mars, Venus, at

Mercury, ang mga pusang sina Luna at Artemis, at si Pokemon. Di yata

nakuntento sa drawing kaya naman naging mascot ang mga bida sa

pangunguna nina B1 at B2, mga kaibigan oso na sina Lulu, Amy, at

Morgan pati si Dodeng Daga. Kaso bakit di masyadong sumikat sina

Po , Laa-Laa, Dipsy, at Tinky-Winky, a kasi di sila marunong

magTagalog. Pati si Mr. Bean hindi pinatawad ginawa ring cartoons.

 

34. Sa music industry sumikat ang mga mayayaman kasi di nila

kailangan ng royalties sa sales, ang mga pirated CD’s! Alam na alam

ng mga walang pambili ng mga orig albums, compilations at mga hard-

tofind-CD’s- at-Odyssey- and-SM-record- bars ang mga pamagat na

Cruisin’ volumes 1 to 3, Referendum volumes 1 to 9,787, Bandemonium

1-3, Rockology, Starbuck’s, Crunch, Chorus Girl, Rock Stuff, Disco

Inferno. Kaya naman sa panahong ito, ang mga dating P375.00 na CD ay

naging P250.00 na lang, ang iba ay P150.00, lalo na ang mga OPM.

Mahusay talaga ang Pinoy!

 

35. Kalunos lunos din ang mga isinapelikulang massacre events nung

90’s sa pasimuno ni Carlo J. Caparas. Ilan dito ang Vizconde

Massacre, Marikina Massacre, Lipa Masscre, The Cecilia Masagca

Story, Patayin sa Sindak si Barbara, at Burlesk Queen Ngayon. Patay

na silang lahat, pinatay ni Booba at Gagamboy.

 

36. Ang pagbisita ni Pope John Paul upang gunitain ang World Youth

Day na dinaluhan ng milyun-milyong deboto, delegates, at mga

kabataan upang ipauso ang “IT’S THE TIME FOR THE GREAT JUBILEE!”

Pagkatapos sisigaw ang lahat, “JOHN PAUL II, WE LOVE YOU!” Apat na

taon ang makalipas, ang sigaw ni Erap sa Quirino Grandstand, “WALANG

KAIBI-KAIBIGAN, WALANG KAMA-KAMAG-ANAK! “, hanggang kahit mga

kaibigan at kamag-anak niya’y natawa sa pagbabasa ng aklat na

pinamagatang, `Eraption.’

 

Sabi ng mga scientists, astrologers, seers, Manang Bola at ng prof

ko sa Humanities, magugunaw daw ang mundo pagkatapos ng 1999.

Nagunaw rin ang lahat ng pangarap kong umabot sa edad na ito at

makapagsulat ng mga ala-ala ng panahong lumipas. Pero hindi ito

naganap at sa halip ay heto ako at ika’y nariya’t nagbabasa ng mga

ungguyan at mahahalagang kaganapan nung panahong ang mga dating

aktibista ay nagrally na lang sa mga sinehan ng malls at skating

rink ng Megamall, hindi alam kung sila ba’y magra-rap o maghe-

headbang o magvo-volunteer para sabihing meron pa rin silang social

concern at malasakit sa kapwa.

 

Pilipinas, maibabalik ba ang kahapon? Game K P B?

…fromhttp://redflushed.multiply.com/journal

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: