Posted by: malditangala | April 2, 2009

tago-taguan, maliwanag ang buwan….(syok-syok ka alfie)

karamihan sa atin ang pagiging bata ang pinakamasayang yugto ng ating buhay. hindi ito maaaring ikumpara sa kahit anupaman. ito ung panahong wala tayong iniintindi kundi ang maglaro kumain at matulog. walang masyadong problema, walang masyadong hassle sa buhay. maliban na nga lang kapag pinagdidiskitahan ni ate o kuya at kung pinatutulog sa tanghali ni inay. pero sa kabuuan, okey na.

maglaro, maglaro at maglaro….eto ang pinaka-essential ng ating pagiging bata. sa aking kabataan maraming klase ng laro  ang aking nasalihan at nalaro. anjan ang tumbang preso, patintero, agawan base, bahay-bahayan, lutu-lutuan, nanay tatay, chinese garter, doctor kwak kwak, jolens, langit-lupa-impyerno, ms. universe (pinakahate ko sa lahat), paninirador at cyempre taguan. taguan….eto ang pinakapaborito nameng magkakapatid. halos lahat kami tuwang-tuwa sa tuwing kabilugan ng buwan. hindi dahil sa napapalit kami ng katauhan at nagiging aswang o manananggal kundi dahil sa masayang maglaro ng taguan kapag kabilugan ng buwan. magmula kay kuya anto (pangatlo sa panganay) hanggang sa bunso nameng si jr ay sumasali sa taguan. dahil sa marami kaming magkakapatid, minsan kahit kami kami lang okey na.

pero minsan, kahit magkakapatid nagkakapikunan din gaya nung minsan naglaro kami ng taguan. lima lang kami nun, ang kuya anto ko, si annie, ako, si alfie at si jr. kakatapos  ko lang mataya at si alfie na ang susunod na taya. nagtago na kaming apat. si kuya anto sa tabi ng punso at dumapa sa bukiran, si annie at jr sa may likod ng kawayan nakahanap ng puwesto samantalang ako naman sinuot ko ung malaki’t makapal na jacket ng tatay ko sabay puwesto sa madilim na parte sa likod bahay. lahat kami kampante sa pagkakatago. buo ang loob na mahihirapan si alfie na hanapin kami. lumipas na ang labinlimang minuto at wala pa sa aming apat ang nakikita. maya maya kalahating oras na ang nakakalipas wala pa rin. dun na ako kinutuban. lumabas ako sa aking pagkakatago (basang basa na rin kasi ako ng pawis dahil sa jacket na suot ko) at hinanap ang taya. laking gulat ko ng pumasok ako sa bahay at nakita ko ang aking kapatid na nakaupo sa harap ng telebisyon at giliw na giliw sa panonood. tinawag ko ang mga kapatid ko na nasa kanilang tinataguan parin at sabay sumbong sa aming ama. tawa ng tawa ang aking ama sa nangyari samantalang ang bunso naman namen ay walang tigil sa pag iyak. sayang daw ung tago nya at di pa raw cya sawa sa paglalaro. nang dahil sa pangyayaring iyon nagkarron ng bagong pangalan si alfie “syok syok”….

minsan o kadalasan masarap balik balikan ang mga kaganapan sa ating buhay. minsan sa tuwing naaalala ko eto, bigla nalang akong napapangiti….kung sana ganun lang kasimple ulet ang buhay…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: