Posted by: malditangala | March 24, 2009

“itlog ng pugo o sanggol ng tao”

sino sa atin ang hindi naadik sa sa game show na “the weakest link”? kung tama ang pagkakaalala ko, sa channel 13 ito pinapalabas dati at si edu manzano ang host. isa eto sa mga nausong game show kasabay ng who wants to be a millionaire ni christopher de leon.

di naman ako gaanong matalinong tao pero makailang beses din akong niyakag ng ate ko para sumali pero dahil na rin sa aking pagiging mahiyain (oist shy type daw) kaya di nila ako napapayag. naadik din akong panoorin ang the weakest link dahil sa ilang mga kadahilanan. una, dahil mahilig talaga ako sa mga trivia. pangalawa, dahil sa nakakaaliw ang programa. at cyempre di pwedeng mawala ang ikatlong dahilan,  eto ay dahil kinabukasan eto ang unang una nameng magiging topic sa kuwentuhan.

di lang puro trivia at seryosong bagay ang meron sa programang eto. marami rin namang nakakatawang episode ang programa kalimitan eto ung mga mali maling sagot ng mga contestants dahil siguro sa pressure. at sa kanilang lahat di ko makakalimutan ung episode na sumali ung isang classmate ko sa philosophy of man. eto ung tanong na napunta sa kanya….”ano ang mas malaki itlog ng pugo o sanggol ng tao”. ang sinagot nya ay itlog ng pugo.

isang malaking kantiyawan kinabukasan. dahil sa isa siyang matalinong nilalang (sya po ang aking dakilang kakompetensya sa pagkuha ng flat 1 sa philo of man) may isang kaibigan ang nagtanong kung bakit un ang naisagot nya. at dun ko lang napagtanto na mas nakakaloka pala ung dahilan ng kanyang pagkakamali. eto ang sagot nya “ang dinig ko kasi sa tanong e ano ang mas malaki itlog ng pugo o itlog ng tao”…bwahahahah….

true to life story po yan. ayoko lang banggitin ang tunay nyang pangalan. baka kasi mademanda ako heheh…

Advertisements

Responses

  1. natawa ko grabe hehe…
    ang kulet di ko na matadaan sa napanood ko na episode ng the weakest link ang nangyari sa clasmeyts mo hehe


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: