Posted by: malditangala | March 17, 2009

ang terasa at ang kwaderno….

ewan ko ba kung pano nagsimula ang lahat….

basta ang alam ko nakatuwaan ko na ang tumambay sa may terrace habang pinanonood ang mga sasakyang dumadaan sa highway malapit sa tirahan namen. mejo baguhan pa lang ako dito, anim na buwan at dalawampung araw pa lang ako dito pero marami na ang nagbago sa buhay ko. . .

naging habbit ko na ang magpalipas ng oras at sama ng loob dito sa terasa habang pinagmamasdan ang mga nagdaraang sasakyan tuwing Biyernes ng gabi. di ko maipaliwanag pero para nilang tinatangay ang isip ko kung saan – saan habang pinagmamasdan ko sila. sabi nga ng mga tao sa bahay eto daw ung pinakatambayan ko kapag nawawala na raw ako sa kuwarto isa lang ang lugar na paghahanapan nila sa akin, “sa terrace”.

pantanggal ng stress, pampawi ng lungkot at para makapagmeditate….eto siguro ang mga kadahilanan kaya ako naglalagi sa terasa. dito nakakapaglakbay ang aking isip kahet saan nya gusto. kapag gusto kong umuwi na bahay namen, nagagawa ko eto pero hanggang sa diwa lamang. kaya pag ako nagkaroon ng sarili kong bahay lalagyan ko cya ng napakalaking terasa.

dala ang aking kwaderno (notebook) dito sa teresa sinusulat ko lahat ng sumagi sa utak ko. minsan kung anu ano lang minsan naman mga saloobin na di ko mailabas labas at minsan (gaya nung biyernes) mga liham. mga liham na kahet kelan ay wala akong balak ipadala sa kung kanino man, gusto ko lang ilabas ung saloobin ko para sa kinauukulan. may 3 liham na ata ako ngayon at ang pinakabago e ung ginawa ko nung biyernes para sa isang tao.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: