Posted by: malditangala | March 12, 2009

bloopers ng buhay

 

originally posted to sa aking multiply blog..pero naisip ko cyang kopyahin at ilagay dito kasi plano kong dagdagan ung listahan…

mukhang napakarami kong naiisip na kalokohan ngaung araw nato. kani-kanina lang bigla ko lang naalala ung mga nangyari sa buhay ko netong mga nagdaang panahon. karamihan sa mga eto ay ung mga nakakahiyang pangyayari….grabeh mga most embarrassing moments bah….share ko lang ung iba…

> nagsplit (half split lang pala) ako sa may cubao area sa intersection malapit sa gateway. biyernes ng umaga un mejo basa ang kalsada, habang mamatay matay ako sa kakapigil ng tawa dahil nakikinig ako ng morning rush napadulas ung isang paa ko. nawalan ako ng control kaya naderecho sa half split e naka-skinny jeans pa naman ako nun at pink na blouse (tandang tanda ko pa talaga). ayyyy…saklap!!! buti kamo naitawa ko pa..shocks andami pong eye witnesses heheheh

> masyadong remarkable ung unang punta ko sa puerto galera. andaming magagandang katawan kaya ansarap magsight-seeing. cyempre sa gabi latok too the max ang gawa namen. mejo tipsy nako nun nung inaya (hinila) ako nung bading (na nagbibigay ng mga order namen) papunta sa isang mesa. pinkilala nya ako as pinsan nya at nung nakikipagshake hands na ung isang guy sa akin narinig kong sinabi nung kasama nya na “pare totoong babae ata yan “.  anu akala nila sa akin bakla?…

 

> isa ako sa libo libong commuters sa pinas. tatlong sakay muna bago ako makarating sa dati kong trabaho. ang mode of transpo ko papunta sa work ay ang mga sumusunod: jeep + mrt + jeep ulet. minsan napakahirap kapag nakapalda ka at sasakay ka ng jeep. pero wala kang magawa kasi dati required sa ofis na dapat nakapalda at take note di basta basta palda…dapat above the knee. ewan ko ba kung sino nagpauso nun..e sa sobrang galawgaw at maton kong kumilos. kumusta naman ako nun? minsan ewan ko ba bakit nakalimutan kong hawakan ang aking palda habang pababa ako ng sinasakyan kong jeep ayun tuloy hinangin….ansaklap talaga lalo at napakarami ang nakakita.. kakahiya tuloy..bakit kasi andaming tao sa may aurora – cubao area.

> sa tuwing dumarating ang summer months ( march – may) lahat nag aabang para sa company outing. sa taong ito(2006) napagkasunduan na beach naman daw kc last year was team building aka amazing race style. at ang lugar ay quezon (sariaya)…overnight na swimming tp kaso ang problema mejo di ako marunong lumangoy heheheh…walastik na phobia kc yan e. sa 1st day ang mga programs at games like pinoy henyo (cyempre kmi panalo time is 3 seconds courtesy of me). sa 2nd day since 2pm pa naman ang out namen e nagpakasawa muna kmi sa paglangoy sa pool madikya kc sa dagat, nagkodakan ng nagkodakan sa iba ibang anggulo at iba ibang kasama. habang kinukunan ang isang group picture sabi nung finance head namen compress daw. so sa kakacompress namen naisip kong iembrace nalang ung friend kong bading na katabi ko. nasa ganung embrace ako ng bigla kong napansin na ung may hawak pala ng camera e ung bading kong friend at ung inembrace ko pala e ung vis/min area manager namen…waaaahhhh…sobrang hiya ko talaga. mejo mahigpit pa naman ung akap ko. grabeh!!!!

> uniform namen nung college –  long sleeve na blouse (white) at mahabang palda (hanggang sakong ata) na dark blue at necktie na dark blue din. first year ako nun…unang klase ko ay 7 – 8am English 101 kay Sir Dayao. habang naglalakad ako sa walkway naalala kong hanapin ang wallet ko di ko kc maalala kung san ko siya nailagay pagkatapos kong magbayad sa tindera ng menthos. sa kakakapa ko nakapa ko tuloy di pala nakasara ung zipper ng palda ko heheh…buti nalang mejo mahaba ang blouse ko at buti nalang sa gilid siya nakaposisyon…wheew…isang malaking buti nalang ang lahat…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: