Posted by: malditangala | January 18, 2009

abangan….

una kong nakahiligan ang paglalakbay noong ako’y nasa kolehiyo. minsan di ako umuuwi sa bahay namen sa probinsya kasi sasama ako sa bahay ng kaibigan ko sa ibang probinsya. masaya ako nun sa tuwing isasama nila ako sa kanila. iba kasi ung pakiramdam na nakakarating ka sa kung saan saan at natututunan mo ung mga kaugalian nila at minsan ung lenggwahe nila. 

ilang mga malalayong probinsya na rin ang aking napuntahan. minsan nga kahet sa labas ng bansa e dinarayo ko na rin. minsan nagpapasabi ako sa aking mga magulang pero kalimitan hindi. eto ang isang bagay na kinagagalitan ng aking ina. di daw kasi ako marunong magpaalam. pero hindi un ang gusto kong ibahagi sa inyo ngaun.

angkor-tower_s

unang pumasok sa utak ko ang lugar na to nung isang taon. gustong gusto ko talaga siyang puntahan. gusto kong ma-explore ang kanyang kagubatan at ang mga magagandang tanawin. gusto kong maranasan kung panu ba maglakad sa kanyang mga kalsada, eskinita. 

angkor-thom-walls_s

 nung isang araw, isang bagong kaibigan ang nagsabi sa akin na gusto rin nyang pumunta sa cambodia. sabi ko sa kanya pagpupunta siya ng cambodia subukan nya din ang laos.

luangprabangdecjan0607_144_s1

eto ang dalawang lugar na pinagpapantasyahan kong mapuntahan sa ngayon. cyempre di pa rin nawawala sa akin ang pangarap kong makaapak sa great wall of china. sa ngayon di ko alam kung kelan maisasakatuparan ang lahat pero sana malapit na.

Advertisements

Responses

  1. wow! amazing….


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: