Posted by: malditangala | June 12, 2014

nang mapadpad sa bkk

Sabi nila karamihan ng mga lakad na natutuloy ay iyong mga hindi planado, ung mga biglaan lang, marahil tama nga sila. Ito ang nangyari sa amin na biglaang nakarating ng bangkok ng walang kaplano plano at walang kabudget budget. Kapwa wala pa kaming sahod ng mga panahong iyon (isang linggo pa ang hihintayin bago sumahod) ngunit  dahil sa nalalapit na apat na araw na walang pasok kaya bigla nalang kaming nagkayayaan ng kaibigan ko (na kasama ko din sa bahay) na mag out of the country. Una ang usapan namen e yung malapit lang para di masyadong mahal ang pamasahe, medyo budget concious kami kasi pareho kaming kagagaling lang sa madugong gastusan.   Bunga ng aming pagtatanong sa mga travel agencies at pananaliksik sa internet, napagdesisyunan namen na sa bangkok nalang pumunta. Walang tourist guide at backpackers lang kami, bahala na si batman ang peg. Ang tutuluyan namen ay isang 2 star hotel (hostel nga ata ang dapat tawag dun), sa may Khao San Road (backpackers’ haven daw ang lugar na yun). Saktong tulugan at liguan lang, hindi naman kasi kami pupunta dun para maglagi at magtulog lang sa hotel.

Gabi na kami nakarating sa Suvarnabhumi Airport (mukhang bago at di pa tapos ang airport nila). Medyo umuulan ulan pa ng dumating kami. Magbabus sana kami para mas makatipid subalit dahil sa hindi namen kabisado ang lugar minabuti nalang namen na magtaxi nalang para siguradong makakarating kami sa aming dapat puntahan. Traffic ang unang sumalubong sa amin paglabas namen ng airport (mukhang hindi na ata maiiwasan ang traffice at kahit saan ka magpunta e meron at meron talagang lugar na matraffic lalo na pagkatapos ng ulan).

Una kong napansin ang di malayong pagkakahawig ng lugar sa Pilipinas. Pakiramdam ko ay nasa Maynila lang ako (sa may Espanya) kung saan kalimitan ng mga gusaling madadaan ay mga may kalumaan na. Pati na rin ang mga bahay ng mga residente makikita mo na medyo may mga kalumaan na din. At ang pinakagusto ko sa lahat, madaming puno. Magandang tignan ang isang lugar na maraming puno at sariwa ang hangin. Wala naman gaanong basura maliban na lamang dun sa medyo malapit  sa palengke. Isang bagay lang ang napansin ko, maliban sa mga templo madami silang mga “tiangge” lalo na sa Khao San Road bawat kanto ata ay may mga tiangge.

Isa sa kagandahan ng pagkuha ng matutuluyan sa may Khao San Road, aside sa mura ang mga hostel dun ay malapit lang sa mga tourist spots (walking distance lang basta mahilig kang maglakad) gaya ng grand palace, reclining buddha, wat arun temple (sasakay ng bangka patawid sa kabilang side ng ilog).

Sabi nila maganda daw na makisalamuha sa mga tao sa paligid, sa mga taga doon mismo o lokal ng lugar. Tama nga naman sila, dahil dito nakakuha kami ng madaming tips at tinulungan pa nya kaming makakuha ng tuktuk at sya na din mismo ang nakipag usap sa driver na wag kaming singilin ng mahal. Sa buong maghapon nameng pamamasyal, 100 bhat lang ang binayad namen sa kanya.

Bayad sa hostel: 1989 bhat (4 days and 3 nights including breakfast)

Taxi magbuhat airport hanggang Khao San Road: 500 bhat, mas makakamura kayo pag nag airport bus nalang kau mga 150 bhat lang ang bayad.

 

316894_10150265810726191_5794648_n

reclining buddha

294840_10150265808146191_4753330_n 316166_10150265810176191_1414292_n grandpalace lantern

Posted by: malditangala | June 14, 2012

bata lang – istorya ng kamusmusan

Ako na ata ang pinakabatang apo sa side ng tatay ko. Mejo late na kasi syang nag asawa kaya kalimitan ang mga kasing edad ko ay hindi na mga pinsan kundi mga pamangkin na ng mga pinsan pinsan ko. Dahil sa wala akong kasing edad, bihira lang ang mga nakakasundo ko, kalimitan ang nakakausap ko ay ang mga matatanda. Malimit din akong mag isa (hanggang ngayon), maglarong mag isa at kumanta sa isip ko lang ha. Pero ganun pa man, lumaki naman akong gaya ng mga ordinaryong bata. May mga naging kaibigan din ako, karamihan nga lang ay mga lalaki. Mahilig akong umakyat sa mga puno, makipaglaro ng bahay bahayan, agawan base, patintero, taguan, baseball, luksong tinik at sumamang manirador ng mga ibon.

Nakakatuwang isipin at pagnilay nilayan ang mga  kwento ng ating kabataan. Isa sa pinaka nakakatawang kwento ng aking kamusmusan ay yung kwentong galing pa mismo sa lola ko. Ikinuwento nya eto sa lahat ng mga anak nya (mga tito at tita ko) at sa mga pinsan ko at sa kanila ko na narinig ang kwentong eto kasi walong taong gulang palang ako nung iniwan kami ng lola ko at kinuha na sya ni Papa Lord. Eto ang kwento: Ayaw ng lola ko  ng mahabang buhok lalo na kung hindi eto naaayos at laging natatakpan ang mata. Gustong gusto nya yung maaliwalas tignan ang mukha. Minsan daw na bumisita ang lola ko sa bahay namen (taga Maynila kasi sya at kami ay sa probinsya nakatira). Dahil sa hindi ako pala-ayos at lagi ako sa galaan, napagtuunan nya ng pansin ang aking noon ay papahaba ng buhok. Nagsabi nman daw sya sa aking ama na gugupitan nya ako at naduduling na daw ako sa buhok ko. At dahil sa ayokong gupitan ang buhok ko (isang malaking pangarap ko nung bata ang magpahaba ng buhok para maitirintas ng kagaya ng aking rugdoll) pero wala akong magawa dahil sa lola ko ang may hawak ng gunting at gumugupit sakin. Tumutulo daw ang luha ko habang ginugupitan ako ng lola ko at kumakanta daw ako ng “Napakasakit Kuya Eddie ang sinapit ng aking buhay”.

Posted by: malditangala | May 7, 2012

ang mahaba -habang pag aantay kay godot

kasalukuyan akong nag aantay matapos ang aking labada habang sinusulat ko eto.sakto at may kaugnayan lang sa pamagat. ..naalala ko lang ung aking guro sa kolehiyo sa pilosopiya. sabi nya noon ang mga tao daw ay walang kakuntentuhan, gumagawa sya ng mga bagay bagay na di nman nya naiintindihan kung bakit nya iyon ginagawa. para daw tayong si Vladimir at Estragon na patuloy lang ang pag aantay kay Godot.  antay lang ng antay hanggang sa walang godot na dumating or baka dumating na cya hindi nya lang namalayan o kaya baka wala ng godot na darating…isang malaking kawalan lang….di mo maesplika kung anu yun, di mo maipaliwanag…magulo ba? ako rin e mejo naguguluhan na!!!

 

a basta ang alam ko dati rin akong nag antay kay godot pero napagod nako kea tinigilan ko na. malay ko ba kung darating pa sya o hindi na….o baka nga nakadaan na di ko lang namalayan kc masyado akong busy…at sya din nakalimutan nyang ipagtanong tanong or naligaw at masyado lang syang proud para magtanong ng dereksyon kaya pinanindigan na lang nya…….

sabi nila may mga pangyayari sa buhay ng tao na nagiging turning point nila, minsan eto yung mga bagay na “it’s either make you or break you” na tinatawag. sa kaso ko naman, sa sobrang dami ng nangyari sa buhay ko netong halos tatlong taon na nakalipas parang mas pinili ko ang magdamot muna kahet saglit.  pinili kong wag munang magsulat para maiwasan na puro kalungkutan ang maging tema ng aking mga kwento. ayokong hawaan ang mga napapadaan sa aking munting modernong kwaderno sa kalungkutan at paghihinagpis na pinagdaraanan ko….

saglit, walang hawaan? kalungkutan? paghihinagpis????

anong puro kadramahan eto? di nman pang entry sa mmk to a….change topic tayo!!! heheheh..

since return to the comeback naman ang titulo neto, nais ko lamang pong ibahagi ang aking pagbabalik sa pagsusulat….tama na ang pag eemote emote at pag e-mia…balik na sa dati… “im soooh back for good”…

Posted by: malditangala | September 22, 2009

rewind o fast forward….

nasubukan mo na bang tumawid sa isang highway na kung saan andaming nag uunahang mga sasakyan ang dumaraan?..

wala lang, natanong ko lang…ambilis ng takbo ng araw noh? parang kelan lang e nagsisimula palang ang taon. tas ngayon, ilang buwan na lamang e pasko na naman at cyempre kasunod nun e bagong taon.  hay naku, 2010 na!!! malapit na akong mag trenta!!!di ko tuloy mapigilan ang pagnilay nilayan ang mga nangyari sa aking di maipaliwanag na buhay netong 2009. may mga di kagandahang mga pangyayari at meron din mga mejo kagandahan lang. may nawala, meron din naidagdag… at merong naidagdag tas bigla nalang nawala. hay naku, kalokang buhay kosobrang  nakakalokah!!!… 

netong mga nagdaang mga araw gustong-gusto ko ng humingi (magrequest) sa Kanya ng fast forward. bakit??? cyempre naman kakapagod na rin kasi ang malungkot at mag isip ng puro tungkol sa kanya. kakangalay na rin ang tumingin sa kawalan at isipin na sana bukas ok na. nananawa na rin kasi akong mag isip ng puro sana sana sana….at higit sa lahat ayoko na rin kasing umasa.

pero minsan di ko rin maiwasan na di isiping sana may rewind din. sana kaya kong bumalik sa nakaraan. kung pwede lang sana. kung bibigyan lang ako ng pagkakataon. may gagawin lang akong isang bagay. kaso mukhang malabo e. kasi kung posible sana

Posted by: malditangala | June 30, 2009

“lola na kasi”

nitong mga nagdaang araw mukhang paboritong gawing paksa ang estado ko (eto na naman sila…) ewan ko ba kung bakit parang lapitin ng mga usap usapan ang pagiging single ko. pakiramdam ko tuloy lahat sila atat na atat ng makitang mag iba ang “status” ko. nung huwebes nagtxt sakin ang hipag ko sabi nya sabi daw sa horoscope ko “wag mag alala at malapit na cyang dumating”…naku, pinag aksayahan pa talaga nya ng lod para lang ibalita sakin….tapos nung linggo naman tumawag ang aking ina para lang tanungin kung kumusta na daw ba? at kung may bf na daw ba ako?????

waaaahhh…nakakapraning na sila!!!!

tapos ngayon ngayon lang ang sabi nung isa kong kasamahan….(u need to plant the seeds so that u can see the trees)…ask ko cya kung ano ba ibig nyang sabihin dun. ganito ang sabi nya sa akin.

ok, u are 28 years old now and in 3 months time u will be turning 29, then next year u will be 30….so when are u planning to have a baby?…u seldom go out and you just turned down the guy who is pursuing you. how are u suppose to find a husband…

well, cya rin po ung nag nagsabi sa kin ng “lola na kasi” ng nalaman nya na most weekends e nasa room lang ako either nanonood ng movie, nagbabasa or gumagawa ng aking kablogan. ngayon mejo nagtataka na ako. masyado bang weird kung ang isang tao e mas pinili nya ang maging single. ganun ba talaga kahirap intindihin o iassorb na may mga taong “single by choice” ang estado sa buhay????

Posted by: malditangala | June 23, 2009

hanging question….

” may mga pagkakataon na mas magandang di ka na lang nagtanong lalo na kung di ka sigurado kung handa ka ba sa magiging sagot”…eto ang sinabi sa akin ng isa kong kaibigan nung nasa kolehiyo pa kami. marami tayong mga katanungan na minsan gustong gusto nating hanapan ng kasagutan. minsan nga nangungulit na tayo para lang makuha naten ung sagot at para kahit papano mapacify ung eagerness natin. pero minsan di lahat ng mga tanong natin ay nabibigyan ng kasagutan. eto ung mga sinasabi nilang hanging question. hanging kasi minsan ayaw sagutin ng kabilang panig. sa akin, di naman sa interesado pa akong malaman ang sagot pero hanggang sa ngayon di pa rin nya sinasagot ung tanong ko dati sa kanya “anong nangyari?”…

November 4, 2008 → The Top Ten Questions You’d Want A Loved One To Answer

  1. Bebi h8s bebe – “Why did you make me wait 4 years just to tell me you don’t love me?”
  2. Warden – For my husband: “I know it’s over and no sex happened, but I’m dying to know what else you did with her when you went out on dates and let her ride in our car. What did the two of you do in our car?”
  3. Kay – For my mom: “Why do you doubt that none of your 4 kids will take care of you when you get old, that you had to adopt another child just so someone will?”
  4. Gracia – “Mother, father, brother, sister, how do you brush your teeth?”
  5. Maomao – For my dad: “When can I talk to you without you getting angry?”
  6. Josa – To my sperm donor: “How can you leave us when you proposed to me before I got pregnant?”
  7. Avi – My dad’s credit card bill says he bought a TV, aircon, ref, washing machine, etc. My question is: “Uhm…dad, where are they? We don’t have have any of those in the house.”
  8. Pumba – For my biological parents: “Why did you leave me in the backyard of your parent’s house when I was 1 month old? And after 13 years I’ve found out you were able to raise 4 more kids after me? WHY?”
  9. Your Highness – For one of my dearest friends with a long overdue ‘utang’: “Buhay pa kaya ako kapag naisipan mo akong bayaran?”
  10. The famous noname – For my dad: “Is the guy who went to your wake and claimed that he was your son, really your son?”
  11. No name – For my parents: “Do you really expect me to pay all of Papa’s medical bills? I’m neck-deep in bills, how will I take care of myself when the time comes?”
  12. Astroboy – To a beloved priest friend: “Why can’t you just leave the priesthood, marry your girlfriend, and take care of your 2 kids?”
  13. Philip Ivan Oliver – For my family: “Pag namatay ako, malulungkot ba kayo o matutuwa sa 1 million na insurance na makukuha niyo?”
  14. No name – For my cousin: “If we weren’t cousins, would you give it a go?”
  15. Ninerx – For my ex who ended our 5 year relationship to be with another girl: “Now that she left you for another guy, don’t you think life is fair? Hehehe.”
  16. Anonymous – For a guy named Angel: “Why did you get married when after 2 weeks of marriage, you see more of me than your wife?”
  17. Bocaio – For my cousins wife who just gave birth, and my cousin is not the father: “Do you feel any prrrayshur rayt now?”
  18. Giselle – For my dad: “Are you really just kidding when you say I’m not really an only child?”
  19. Astroboy – For a straight guy cousin: “Bakit ang dami mong gwapong gay friends?”
  20. Unplainedrice – For my ex: “Totoo bang kaya ka naging tomboy, dahil iniwan kita?”
  21. Vi – For my kids: “Will you feed me when I’m old?”
  22. Dru – For a dear friend/officemate: “After all these years, aren’t you tired of running away from good taste?”
  23. ANTi-PATiKA – For my bestfrend: ”Who is the father of your baby girl? Your boyfriend, or mine

 

Posted by: malditangala | June 17, 2009

ang buhay single

marami ang nagtataka bakit daw hanggang ngayon wala pa akong asawa or kahit boyfriend man lang. ang iba nga sa kanila minsan tinatanong kung masyado daw ba akong pihikan kaya hanggang sa edad kong eto e single pa rin ako.  may kanya kanya tayong dahilan kung bakit ganito at bakit ganun…minsan mahirap ipaliwanag sa ibang tao kasi di mo rin alam kung maiintindihan nila ang point mo. sa kaso ko, tama na ang minsan nagtry akong ipaliwanag ang nasa puso ko.  ayoko ng ulit ulitin pa kasi magmumukha lang syang parang sirang plaka.

**AnG bUhaY SiNgLe bY McG

Bakit ba tuwing may “get2geder” ang mga tao, mapa-family reunion man or simpleng barkada gimik, ang unang tanong sayo ay “May boyfriend ka ba?” at bago ka pa maka-sagot ay maririnig mo naman ang “Bakett walaaaaaa??!” Hayyy, kelangan ba talagang may bitbit kang boylet sa mga occasions na ito? Pano kung wala talaga? Alanganamang maki-usap pa ako sa mga “close” guy friends ko para mag-panggap na “kami”?! Di naman ata tama yun, dee-bah? How I wish na sana mas maintindihan ng mga tao na sa mga panahon ngayon ay “accepted” na sa society na MEDYO made-delay ang pag-iisang dibdib ng mga kababaihan.. especially girls like me who want to get into so many things all at the same time. I also wish that people would understand that OKAY LANG AKO and the rest of THE SAMAHANG MALAMIG ANG PASKO… Valentines day.. Birthday..etc. I mean, we do get lonely once in a while.. naiingit din dun sa may mga LOVELIFE… paminsan-minsan? kung minsan naman ay nagmumuni sa mga past kilig moments? but these lonely moments do not and will not make our “world” stop… Isipin nyo nalang, na kung wala kaming mga single friends nyo, eh di wala kayong paghihingaan ng sama ng loob tuwing nag-aaway kayo ng boylet or girlet nyo? wala rin kayong “instant date” kung sakaling nangailangan kayo?… wala rin kayong mahihila sa mall para maghanap ng magandang regalo for your better-half pag xmas… o kaya pag bday nya? at ang pinaka-mahalaga sa lahat, wala kayong KAKAMPI if things between you and your labidabs don’t work out. Marami naman sa aming mga singles ay nakaranas na rin na “ma-in-love”.. yun nga lang, obvious ba?????????? it all didn’t work out! Pero di naman kami “bitter” o galit sa mundo? and totoo nga nyan eh mas lumalalim ang kahulugan ng “love” para sa min. When you’re all by yourself, there’s more time to reflect and think what you really want in life. Mas naiisip mo kung ano ba talaga ang makakapagbigay ng tunay na ligaya sayo… at mas naiisip mo kung pano matutupad ang lahat ng mga pangarap mo. And while reflecting, we also get to imagine that we will, one day…. end up with someone who will share those dreams with us. Di naman sa nang-iinggit ako pero masaya rin ang buhay naming mga single… Biruin mo we can go out with anybody, anytime..that is. We can get into all kinds of things.. like go to the gym regularly.. or get into all kinds of sports… or any “Self-enhancement” programs, etc… Mejo tipid din ang buhay single kasi la naman kaming po-problemahin tuwing Valentines day or Christmas? o diba ang saya? Sa palagay ko naman ay lahat tayo ay may karapatang sumaya ke single man o attached ka. I guess may kanya-kanya lang tayong panahong lumigaya at Diyos lamang ang makapagsasabi… kung kelan nga dadating and oras na yon. So, para sa mga kasalukuyang “ATTACHED”, I wish you all the luck and happiness. Should there be any problems, don’t forget that your SINGLE friends are always here for you!!!!! Sa mga “bagong SINGLES” naman, wag nang magmukmok! Enjoy life…. enjoy the single life!!! There are a lot of things that you will still discover. At tandaan mo, DI KA NAG-IISA!!! madami-dami tayo..hehehehe 🙂 At dun naman sa kapwa kong mga SINGLES? I hope that we are one in believing that we long for someone NOT BECAUSE WE WANT TO BE HAPPY but we long for someone because we want to share our happiness with that special person for the rest of our lives….

Posted by: malditangala | June 11, 2009

open letter (from the past)…

originally posted sa aking friendster blog…kinopya ko lang para isama dito sa aking kablogan…

hi, its been awhile. i know that you are contented with your life right now and i am happy with what i have. i never meant to disturb you since i have no intension of entering your life again (in the same way as before). i saw some of the stuff i wrote some years back during our days of being together and it kinda made me realize things. i was glad to have read those stuff. i never imagined that i was that happy and inlove then. it seems like, just being with you then was all that matters. i can’t believe i will say this but by the emotions enclosed with those entries, i must say that i have really love you then….

i never regretted anything. although you hurt me too much, took away my belief in love and romance, and it took me awhile (almost two years) to move on but you taught me many things in life. you taught me how to handle my pain/hurt. you show me the reality that love doesn’t always comes in rainbow colors.  im so okey now and im happy for you (honestly)….regrets have never really entered my mind. i didn’t even hated you. on the contrary i even wish your happiness (your sister knows it).

Posted by: malditangala | June 6, 2009

kilig ka naman?

I’ve been out of a relationship for 4 years now (forever) and the number 1 thing that i am missing is the kilig moments. yes, i know that u can also get kilig over some thngs that may be done by others pero iba kc if u are in a relationship and it’s ur special someone who makes the effort. when i saw this in chico’s blog, there’s an entry which was been said to me by my ex ” ingat ka kasi mamahalin pa kita”. hayyyy…those were the days…

Haaay…I love the feeling of being kilig.  I tell you, take it from me, it doesn’t matter how old you are, when the right person says the right thing, does the right thing, shoots you the right look, and then it sends lightning bolts from the top of your head to the hole of your butt, that’s the wonder of kilig!

October 24, 2008 → The Top Ten Kilig Moments – Astroboy

  1. The Game –  Exchange between Wolverine and Jean Grey. Jean: “Would you die for them?” Wolverine: “No, not them. For you…for you.”
  2. Hannah – My husband works abroad and one time I was making lambing over the phone about how I miss a certain kakanin that he used to bring home when he was still here. The next day, there was a small basket of kakanin on my dining table. He asked his sister to bring it to my place.
  3. Famous Marcus – A long time ago in a radio survey of “your happiest moments”, I texted in, “I am happiest when I am no more than 3 feet away from my wife.”
  4. Marsden – In a mall, this guy kept on looking at me and tried to show me his number typed in on his mobile phone. He couldn’t talk to me because he was with somebody.
  5. Purplerose – I won a gift pack from Myra-E last Monday for the premiere of Nights in Rodanthe. The next day my hubby was staring at me, smiling, and said,”Hindi mo na kelangan ng Myra-E, blooming ka naman eh.”
  6. Curt Smith – My wife gets kilig everytime I say this to my relatives: “Kaya kamukha ni misis yung mga bata, kasi mas mahal ko siya nung time na ginawa namin sila.”
  7. Jun13 – This is a kilig text: “Aanhin ko pa ang sinabawang gulay…kung sa iyo palang, makulay na ang aking buhay?”
  8. Astroboy – Guy: “What’s your biggest fantasy?” Girl: “To be kissed by someone in the rain. What about you?” Guy: “To be that someone.”
  9. TReiz – When you’re at a resto, grab your girl’s hand and point to the sign that says: “Take care of your valuables.”
  10. No name – I had this ultimate crush in high school. During a school competition, my hand hurt for no apparent reason. My ultimate crush who’s sitting beside me at that time, took my hand and massaged it.
  11. Antipatika – Wnen I was in college, a suitor of mine texted me asking where I was. When I said I was home, he texted, “Labas ka ng house nyo.” When I went outside, he was there holding 2 pieces of ice drop for me & him.
  12. Trina – When we were still in the courting stage, my boyfriend texted me, “Ingat ka ha, kasi mamahalin pa kita.”
  13. Sweetiebebe – When my first boyfriend was courting me, he knows I love chocolate dome cake. One time, he surprised me w/ a dome cake he made by himself. Turned out, he attended baking lessons just so he could bake my favorite cake.
  14. Trina – When I ask my boyfriend if he misses me, he says: “Hindi lang miss…misis pa, balang araw.”
  15. FK Gurl – While alone at a coffee shop reading a book, he called me asking where exactly I was. I kept on repeating that I was at Coffee Bean, between Kitaro & KFC, then suddenly I fely someone kissing me from brhind! He smiled at me, turned off his phone, joined me at my table & drove me home afterwards.
  16. Cheyenne – Husband: “I like holding your hands because then I know that the rest of you isn’t so far away.”
  17. Doorknob – When I was abroad, I was chatting with my boyfriend’s officemate, and he told me, “He’s masungit when you’re not here.”
  18. Kwinipie – My bf sent me this msg: “Mag empake ka na, pupunta tayong home for the aged. Kasi…I want to grow old with you.”
  19. Eikram – BOY: “There’s only 1 thing I want to change about you.” GIRL: “What is it?” BOY: “Your last name.”
  20. Asamite – Me to fiance: “Thanks for giving my heart a home.”
  21. Vinzent – Overheard at the office: Guy: “Puwede favor?” Girl: “Sure, ano?” Guy: “Puwede, ingat ka palagi?”
  22. Mr. Perk – I was making pa-cute with pare and asked him to play for me “more than words” on his guitar. Instead, he played me, “would you be my # 2″.
  23. TReiz – My ex grabbed my glasses and told me, “Hey, you have really nice eyes…”
  24. Chikaytot – My special friend uses the service road on the SLEX kasi libre. One time, I fell asleep in his car, paggising ko, nasa SLEX kami. When I asked why we took the SLEX, he said, “Malubak sa service road, baka magising ka.”
  25. No name – When Angelina Jolie was asked about her statement before that she loved being alone, she answered, ” I don’t love being alone as much as I used to.”
  26. SC – In high school, kilig m0ment ko every mass kasi makaka-h0lding hands ko yung crush ko during Our Father.
  27. Bajoink – I’m an avid fan of Barefoot Contessa. In one episode, as her husband was about to leave, she told him: “Drive carefully, you’ve got my whole life w/ you.”

Older Posts »

Categories